Cristy, pinagtanggol si Ogie sa nagsabing fake news ang pagbabalik pelikula nina Bea at JLC

Cristy, pinagtanggol si Ogie sa nagsabing fake news ang pagbabalik pelikula nina Bea at JLC

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin sa mga bashers nito na pawang mga fans umano ng tambalang Bea at John Lloyd

- Ito ay matapos na pabulaanan 'di umano ni John Lloyd Cruz na wala pa umano silang gagawing pelikula ni Bea Alonzo

- Bagama't nabanggit din naman ito mismo ni Bea, tira ang naba-bash ay Ogie na siyang nagbalita ng pagbabalik pelikula ng dalawa

- Ani Cristy, 'di raw dapat i-bash si Ogie na nagtanong naman muna sa management ni John Lloyd bago ito naglabas ng pahayag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Ogie Diaz matapos na ito raw ay ma-bash ng mga umano'y fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Cristy, pinagtanggol si Ogie sa nagsabing fake news ang pagbabalik pelikula nina Bea at JLC
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa naibalita nitong pagbabalik pelikula nina John Lloyd at Bea na pinabulaanan naman ng aktor. Bagama't nabanggit din mismo umano ito ni Bea, tila si Ogie D umano ang naba-bash ng fans ng naturang tambalan.

Read also

Vhong Navarro, haharapin muli ang kaso sa Pebrero ayon kay Cristy Fermin

"Nagsalita na si Bea Alonzo. Tuloy na ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz. Nakaktuwa nga po 'yung kanilang tambalan, lahat ng pelikulang ginawa nila ay panalo po talaga sa takilya kahit hindi sila magkarelasyon.May kanya-kanya silang love life pero kinakagat po talaga ng publiko 'yung kanilang pelikula," ani Cristy sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

"Nung sabihin 'yun ni Bea, bigla namang lumutang 'yung balita na sinabi ni John Lloyd na hindi daw matutuloy dahil hindi daw niya alam na meron"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"At siyempre napapagitna sa isyung ito si Ogie Diaz na bina-bash ng mga fans nina Bea at John Lloyd. 'Wag po kayong mauna sa pamba-bash. Kasi bago po ito ibinalita ni Ogie, ay kinausap pa niya ang management mismo ni John Lloyd Cruz... Kung totoo bang gagawa ng pelikula si Bea at saka si John Lloyd."

Read also

Direk Laurice, dahilan umano ng kawalan ng award ng 'Family Matters' ayon sa source ni Ogie D

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel