Cristy, nabanggit ang petsa ng umano'y paghaharap nina Mommy Divine at kanyang complainant

Cristy, nabanggit ang petsa ng umano'y paghaharap nina Mommy Divine at kanyang complainant

- Sa pinakabagong episode ng SNN, nabanggit ni Romel Chika ang umano'y paghaharap nina Mommy Divine at nagrereklamo rito

- Aniya, kailangan itong harapin ng ina ni Sarah Geronimo upang linawin din nito ang totoo at hindi sa isyu

- Naaawa na rin umano sina Cristy na nakakaladkad umano ang pangalan ni Sarah sa isyung ito

- Matatandaang unang naibalita nina Ogie Diaz at Mama Loi ang isyu na ito nang makatanggap sila ng mensahe kaugnay sa reklamo umano ng empleyado kay Divine Geronimo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napag-usapan nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin ang tungkol sa umano'y reklamo ng empleyado ni Mommy Divine Geronimo sa kanya.

SNN, nabanggit ang petsa ng umano'y paghaharap nina Mommy Divine at kanyang complainant
Romel Chika, Wendell Alvarez at Morly Alinio (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may mga nakarating pa kina Cristy na iba pa umanong nagagawa ni Mommy Divine sa kanyang mga empleyado.

Read also

Cristy nilinaw ang naibalitang show ni Jake Zyrus sa USA: "Dalawa lang po ang nagbayad"

"Ang latest yung huling mga nagpatunay sa kanya pagka daw po may okasyon, bida ay si Sarah Geronimo tulad ng birthday, anniversary, at kung anuman, nakalista pala yung lahat ng inireregalo sa kanya," ani Cristy.

"Nakalista ang mga cake, mga stuffed toy, damit o may sapatos man at anumang kagamitan, dapat accounted for yan ng PA"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"At kapag kulang... [Romel] naku, makakarinig ng talak. Walang palalampasin. Kahit maliit na regalo. Basta something na maliit, malaki. sobrang liit... Kailangan mailabas 'yun."

"At kapag wala ay... Pababayaran sa PA," dagdag pa ni Romel.

Nabanggit din nila ang sinasabing araw ng paghaharap ng naturang complainant at si Mommy Divine sa Enero 5 ng papasok na taong 2023.

"At sa pagpasok ng susunod na taon. Maghaharap na sila nung nagrereklamo sa DOLE"
"Magkikita na sila. Kailangan nang magbigay ng pahayag ni Mommy Divine. Dapat kontrahin niya kung alin man doon ang imbento at ayusin niya ang kailangan ang dapat"

Read also

Andrew Schimmer, emosyonal sa huling Christmas picture na kasama ang namayapang fiancée

Aminado naman si Cristy na nakararamdam siya ng awa sa Popstar Royalty dahil sa nadadawit umano ang pangalan nito sa reklamo sa ina.

"Kaya lang nakakaawa lang si Sarah. Kaladkad talaga ang pangalan sa pagkakataong ito... Damay na damay," ani Cristy.

"I hope, sana maayos ang problemang kinasasadlakan ni Mommy Divine ngayon. At kung hindi niyo po ito hinarap, mas marami pa pong aalsa at aangat na kwento tungkol sa mga di kagandahan niyong pakikitungo sa inyong mga empleyado," dagdag pa nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel