Carlo Aquino, idinetalye ang role sana niya sa 'Squid Game': "Ito 'yung in-audition ko!"

Carlo Aquino, idinetalye ang role sana niya sa 'Squid Game': "Ito 'yung in-audition ko!"

- Ikinuwento ni Carlo Aquino ang ilang mga detalye sa role sana niya sa popular na Netflix series ngayon, ang 'Squid Game'

- Siya sana ang gaganap bilang 'Ali' o player 199 ng hit Korean series

- Ang role ni Ali ay isa sa mga mahahalagang karakter sa Squid Game kaya labis din talaga itong pinanghinayangan ni Carlo

- Sinasabing ang lockdown ang siyang dahilan kung bakit hindi na siya natuloy pa na makuha ang role na minahal din ngayon ng publiko

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Idinetalye ni Carlo Aquino ang role sana niya sa Korean series na patok ngayon sa Netflix, ang 'Squid Game.'

Carlo Aquino, idinetalye ang role sana niya sa 'Squid Game': "Ito 'yung in-audition ko!"
Carlo Aquino, idinetalye ang role sana niya sa 'Squid Game': "Ito 'yung in-audition ko!"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nang maipalabas ang series, ibinahagi ni Carlo ang handwritten letter sa kanya ng direktor na si Hwang Dong Hyuk kung saan binabati siya bilang isa sa mga cast ng kanyang obra.

Read also

Ivana Alawi at kapatid na si Amira, nakasama ang kanilang mama sa isang salon date

"Nanghihinayang ako e. Nakakalungkot dahil hindi natuloy dahil sa pandemic," ani Carlo.

Naikwento niyang siya sana ang gaganap ng karakter ni 'Ali', ang player 199 ng game na isa sa mga mahahalagang karakter ng survival drama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hi Carlo, this is the attached schedule. Shooting days is 45 days, but for your character 'Ali', it's 37 days," pagkumpirma ni Carlo.

Kaya naman nang mapanood niya ang naturang series, tila pamilyar umano ang mga linya ni Ali gayung nabasa na rin niya ang script ng Netflix hit.

"Parang alam ko 'yung sinasabi ng taong 'to, 'di ako makatulong nung gabi"

"Mommy ito 'yung in-audition ko, ito 'yung pumupunta pa ako ng ABS-CBN para gawin," ang labis na panghihinayang ni Carlo.

Gayunpaman, proud siya na isa ring Pinoy ang nakasama sa series at ito ay si Christian Lagahit na gumanap bilang player 276.

Read also

Ejay Falcon, sasabak sa pulitika bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro

"May Pinoy din pala dapat akong kasama doon. Sobrang ano rin ako para sa kanya, happy kasi siyempre 'di ba dahil nagkaroon siya ng recognition."

Narito ang kabuuan ng panayam ng Star Magic Inside News kay Carlo:

Si Carlo Aquino ay isa sa mga kilalang aktor sa Pilipinas. Ilan sa mga naging pelikula niya kamakailan ay ang 'Isa Pa With Feelings' kasama si Maine Mendoza, 'Ulan' kung saan nakasama niya si Nadine Lustre, at 'Exes Baggage' kung saan ang kanya mismong ex-girlfriend na si Angelica Panganiban ang kanyang nakapareha.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica