Ejay Falcon, sasabak sa pulitika bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro
- Tatakbo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro ang aktor na si Ejay Falcon
- Si Ejay ang big winner ng 'Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus' noong 2008 at nakilala bilang isang Kapamilya actor
- Ayon kay Ejay, dalawang taon na raw nilang napag-uusapan ni Governor Humerlito Dolor ang pagtakbo niya sa nasabing posisyon
- Ipinangako umano ni Ejay na kulang man siya sa kaalaman sa larangan ng pulitika, puno naman daw siya ng karanasan sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inanunsyo na ng aktor na si Ejay Falcon ang pagtakbo niya bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro sa Halalan 2022.
Nalaman ng KAMI na siya ang ka-tandem ni Governor Humerlito Dolor. Dalawang taon na raw nila itong pinag-uusapan at ngayon, desidido na talaga si Ejay na pasukin ang larangan ng pulitika.
Makakatunggali ni Ejay si incumbent Vice Governor Antonio "Jojo" Perez na isa umanong abogado, naging city administrator at Vice Mayor bago naging Vice Governor.
Gayunpaman, kahit aminadong bagito sa ganitong larangan si Ejay, alam niyang puno naman daw siya ng karanasan sa pagtulong sa kapwa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kulang man ako sa kaalaman sa larangang ganito, pero pinapangako ko naman na punong-puno naman ako ng karanasan pagdating sa totoong buhay at karansan ko sa pagtulong"
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng ABS-CBN News:
Si Edward Jake Lasap Falcon, o mas kilala bilang si Ejay Falcon, ay isang Pinoy-French actor, endorser, at model sa bansa. Siya ang itinanghal na “Big Winner” ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus, kung saan nakatunggali niya ang kilalang host ngayon na si Robi Domingo.
Kamakailan, ibinahagi ni Ejay ang larawan niya kung saan binalikan niya ang mga panahong naging isa siyang kargador. Sa kanyang post, sinabi niyang 15 taon na ang nakakaraan noong rumaraket lamang siya sa Mindoro.
Isa rin si Ejay sa nagpakita ng suporta sa Kapamilya network na sinubok noong nakaraang taon nang hindi na ito maka-renew muli ng prangkisa.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh