RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

- Dahil sa kanyang mga "pakikisawsaw" ay marami ang nag-udyok kay RR Enriquez na magbigay siya ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasasangkutan ni Lolit Solis

- Ito ay kaugnay sa post nito sa Instagram kung saan nabanggit niya ang tungkol sa umano'y balitang nakunan si Alex Gonzaga

- Agad din itong inalmahan ng asawa ni Alex na si Mikee Morada at kinalaunan ay humingi ng dispensa si Lolit

- Binigyan ng payo ni RR si Manay Lolit at pabiro pa nitong sinabi na ipasa na sa kanya ang korona

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ng binansagang Sawsawera Queen" na si RR Enriquez ang kanyang saloobin hinggil sa pagbanggit ni Lolit Solis sa balitang nakunan ang vlogger at TV host na si Alex Gonzaga.

Kung totoo man umano ang balita, ipinaabot niya ang kanyang pakikiramay kay Alex dahil alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.

Read also

Vince Flores, pinakita ang resulta ng kanyang pagpapaayos ng ilong

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Maari naman umanong paraan ni Alex ng pag-handle ang manahimik lang muna at saka na magsasalita kapag handa na siya.

Dagdag pa niya, maari ring hindi alam ni Manay Lolit na nakaka-offend na rin minsan ang kanyang mga komento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Going back to the issue. Baka hindi ka lang po kasi aware manay na sometimes offending na din ang comment mo or yung mga chismis na ibinabalita mo.

Biro pa ni RR, dahil 74 na si Lolit, pwede na niyang ipasa ang korona kay RR.

At your age 74 yun na nga parang hindi na po bagay. Kaya nga andito na ako. Ipasa mo na sa akin ang korona CHERET

Payo ni RR, dapat ay matutong rumespeto sa ibang tao kung gustong irespeto siya ng iba.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

If gusto mo irespect ka ng tao, irespect mo muna din ang sarili mo at feelings ng ibang tao. Talk to yourself anong mali sayo at the age of 74 kasi madalas OA po talaga yung pinapakalat nyo na chismis.. But anyways behind closed doors we don’t know who you are! But I want to believe may naitatago kang busilak na puso

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel