RR Enriquez, naglabas ng saloobin hinggil sa kinahinatnan ng ABS-CBN franchise renewal

RR Enriquez, naglabas ng saloobin hinggil sa kinahinatnan ng ABS-CBN franchise renewal

- Hindi napigilang maglabas ng saloobin ng dating Kapamilya star na si RR Enriquez

- Matapos ang 13 taon, patuloy umano siyang natutulungan ng kompanya kahit hindi na siya artrista

- Pinsaringan ng dating Wowowee host ang mga taong nasa likod ng pagpapasara ng ABS-CBN

- Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mahabang mensahe ang naging tugon ni RR Enriquez sa pagkaka-deny ng franchise renewal ng ABS-CBN. Sa kanyang Instagram account, inihayag ng dating Kapamilya star ang kanyang saloobin hinggil sa isyu.

Binalikan ni RR kung paano siya nagsimula sa showbiz sa tulong ng ABS-CBN.

“This is heartbreaking. Ako ay isang produkto ng ABS-CBN. From White Castle to money girl turned host ng Wowowee, Banana Split main cast and Pabida Ka host," aniya.

Muli niya ring sinariwa ang magagandang alaalang kanyang naranasan sa Kapamilya network.

Sa mahabang panahon na hindi na siya lumalabas sa telebisyon, kilala pa rin umano siya ng mga tao bilang si RR na bahagi ng Wowowee at Banana Split.

RR Enriquez, naglabas ng saloobin hinggil sa kinahinatnan ng ABS-CBN franchise renewal

RR Enriquez, naglabas ng saloobin hinggil sa kinahinatnan ng ABS-CBN franchise renewal
Source: Instagram

Hindi pinalampas ni RR ang mga tao sa likod ng pagpapasara ng ABS-CBN. “Sa mga taong nasa likod ng pagsara ng ABS-CBN, wala po kayong pinagkaiba sa isang kumpanya na nang agrabyado din ng mga tauhan nila. Dahil sa pagpapasara nyo at sa kagustuhan nyo na matanggal ang ABS-CBN. 11,000 workers lang naman din ang inagrabyado niyo (and more).”

Hindi niya rin nakalimutang magbigay ng mensahe sa mga dating katrabaho at iba pang empleyadong nawalan ng trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Sa mga artistang kaibigan ko na nasa ABS-CBN at sa mga staff ng ABS-CBN na hanggang ngayon kaibigan ko pa din. (at kahit hindi ko kilala) Sa lahat ng mga nawalan ng trabaho dahil sa kasakiman ng ibang tao. Kapit lang po kayo. Pang hawakan nyo po and mga salitang ito!"

Nagbahagi din siya ng Taludtod mula sa Bibliya.

Romans 12:19 Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay," says the Lord. God bless everyone,” pagtatapos niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si RR Enriqez ay naging bahagi ng Kapamilya network sa loob ng walong taon hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Kinalaunan ay tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kasalukuyan siyang karelasyon ng basketbolistang si JJ Helterbrand ng Barangay Ginebra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel