Ivana Alawi at kapatid na si Amira, nakasama ang kanilang mama sa isang salon date
- Ibinahagi ng ina ni Ivana Alawi ang picture nila kasama ang dalawang anak na sina Ivana at Amira
- Base sa kanyang post ay lumabas sila para sa isang salon date sa isang kilalang salon
- Umani naman ng reaksiyon ang nasabing post dahil hindi madalas makita ng mga netizens si Amira sa mga social media posts ng kanyang mga kapatid
- Si Amira ang panganay sa apat na anak ni Fatima Marbella at ng yumaong Moroccan na si Samier Al-Alawi
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang bihirang pagkakataon ay nai-post ng ina ni Ivana Alawi na si Fatima Marbella ang picture kung saan nakasama ang kanyang panganay na anak na si Amira Alawi. Base sa kanyang caption, nagkasama silang tatlo nina Ivana para sa isang salon date.
Marami ang nakapansin sa kagandahan ni Amira na bihira lamang mapanood sa mga vlog at social media posts ng kanyang pamilya dahil mas gusto nito ng pribadong buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang komento ng ilang netizens:
Ang ganda talaga ng alawi sisters. Looking young mama alawi. Hindi nakakapag taka kung bakit kagandang lahi.
So pretty! Happy seeing Amira with you guys. First time Kong Makita si ate Amira. Ang ganda niya grabe.
Grabe!!! Ang ganda ni Amira! Nagpapakita na din siya sa social media
Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.
Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.
Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng ating saloobin at opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin ang maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng sariling opinyon at paniniwala.
Source: KAMI.com.gh