TikToker na kilala bilang si UwU Girl, pumanaw sa edad na 25

TikToker na kilala bilang si UwU Girl, pumanaw sa edad na 25

- Marami ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay at marami ang nakidalamhati ng isang TikToker na kinaaliwan ng mga netizens

- Pumanaw na ang TikToker na si Namy Menang o mas kilala bilang si UwU Girl matapos ang kanyang 25 taon na pakikipaglaban sa kanyang sakit

- Sa kanyang social media account ay hindi nito pinagkailang mayroon siyang karamdaman sa puso

- Gayunpaman, nanatiling positibo si UwU girl sa kanyang mga TikTok at social media videos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga Pinoy TikTok users ang nagbahagi ng kanilang pagdadalamhati at pakikiramay sa pagpanaw ng isang TikToker na kinaaliwan ng marami.

Pumanaw sa edad na 25 si Namy Menang na mas kilala sa kanyang bansag bilang si UwU girl.

TikToker na kilala bilang si UwU Girl, pumanaw sa edad na 25
Illustration photo was taken in Krakow, Poland on July 18, 2021. (Photo Ilustration by Jakub Porzycki/NurPhoto)
Source: Getty Images

Sa kanyang Facebook account ay makikita ang isang post kung saan inihalintulad niya ang kanyang kalagayan sa kapatid ni Ivana Alawi na si Mona.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Aniya, kagaya ng kapatid ni Ivana ay nakipaglaban din siya sa sakit ngunit mas mahaba nga lang ang kanyang naging pakikipaglaban na umabot na sa 25 na taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, may butas ang kanyang puso ngunit hindi siya pinanghihinaan ng loob.

Si Mona 10 years nang lumalaban sa diabetes niya. Ako 25years ng lumalaban sa 4 na butas ng puso ko. Si Ivana laging nandiyan para kay Mona, Si ate laging nandiyan para sakin.
Ang kaibahan ko lang kay Mona, never akong nag salita ng diko na kaya always lang na kaya ko. Kaya ko kasi masaya ang ate at pamilya ko pag nakikita nila akong buhay at strong.

Marami sa mga netizens ang gumawa ng kanilang tribute video para kay UwU girl.

Read also

Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

Bukod sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube, marami na rin ang nahuhumaling sa TikTok. Dahil dumarami na ang tumatangkilik at gumagamit ng app na ito, marami na ring TikToker ang sumikat. Maging ang sikat na social media personality na si Bela Porch ay unang sumikat sa TikTok.

Maging ang ilang mga sikat na artista sa bansa ay gumagamit na rin ng TikTok. Ilan sa mga may pinakamaraming followers sa TikTok ay sina Andrea Brillantes at Gardo Versoza.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate