Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

- Naikwento ni Wilber Tolentino na kailanma'y hindi pa niya nagagalaw ang natatanggap na sahod sa kanyang YouTUbe channel

- Naisiwalat niya ito matapos makatanggap ng mga akusasyon na pinagkakitaan lamang daw umano niya ang alagang si Madam Inutz

- Pinaliwanag din ni Wilbert kung bakit naunang lumabas sa kanyang YouTube channel si Madam Inutz gayung may sarili naman siyang YouTube channel

- Sinabi niyang isang araw ay kanyang iba-vlog ang tungkol sa gagawin niya sa perang natatanggap niya dahil sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni "Ka-freshness" Wilbert Tolentino na kailanma'y hindi pa niya nagagalaw ang perang kinikita mula sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na nabanggit niya ito sa interview sa kanya ni Mama Loi kung saan sinagot niya ang ilang mga akusasyon sa kanya ng mga netizens lalo na sa pagiging manager ni Madam Inutz.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

May ilang nakakapagsabi kasi na tila pinagkakakitaan lamang daw ni Wilbert ang kasikatan ni Madam Inutz. Napansin umano ng netizens na sa YouTube channel ni Wilbert unang lumabas ang viral online seller at hindi sa sarili nitong channel na Daisy Lopez.

Ipinanaliwanag naman ito ni Wilbert para sa kaalaman na rin ng lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi po ako manggagamit dahil alam ko po ang good and bad karma."
"Kaya unang naglabasan sa akin si Madam Inutz kasi ako 'yung mas maraming subs (subscribers) sa kanya,"
"Wala pa siyang subs kaya kailangang i-introduce ko siya sa channel ko"

"Wala rin po siyang intro, hindi po siya maruning mag-vlog at nahihiya siya sa camera kaya dinadala ko siya sa tabi ko para ma-train ko," ani Sir Wil.

At dahil sa pampupukol sa kanya ng ilan tungkol dito, sinabi niyang hindi pa nga niya nagagalaw ang sarili niyang kita sa Youtube na nanagangahulugan lamang na hindi pa niya ito kailangan.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Aniya, gusto niyang mayroong mabuting mapuntahan ang sahod niya mula sa kanyang channel. Ibabahagi rin daw niya ito sa kanyang vlog sakaling may mapaglalaanan na siyang tulong sa perang nasa six digits na rin ang halaga.

Narito ang kabuuan ng mga rebelasyon ni Wilbert sa YouTube channel ni Mama Loi:

Si Wilbert Tolentino ay isang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga vloggers at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito. Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel