Wilbert Tolentino, nilapitan ni Xander Ford: "Sir Wilbert, help me sabi niya"

Wilbert Tolentino, nilapitan ni Xander Ford: "Sir Wilbert, help me sabi niya"

- Naikwento ni Wilbert Tolentino na hiningan umano siya ng tulong ni Xander Ford

- Sa 'kukupkupin o tatablahin' challenge ni Tita Jegs kay 'Sir Wilbert' isa sa mga nabanggit na pangalan ay si Xander na may tunay na pangalang Marlou Arizala

- Limang taon na umano sa pagba-vlog si Xander at kailangan niya umano ng 'growth' sa kanyang career

- Naikwento pa ni 'Sir Wilbert' na nais umano ni Xander na siya ang susunod sa yapak ni Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa YouTube collaboration nina Tita Jegs at Wilbert Tolentino, ginawa nila ang 'kukupkupin o tatablahin' challenge kung saan magbabanggit si Tita Jegs ng mga pangalan ng kilalang personalidad at sasagutin naman ni Wilbert kung kukupkupin niya ito o tatablahin.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga pangalang nabanggit nila ay ang social media personality, influencer, at naging internet sensation na si Xander Ford.

Read also

Ogie Diaz, isiniwalat na isa si Chad Kinis sa mga sumusuporta sa kanilang charity

Wilbert Tolentino, nilapitan ni Xander Ford: "Sir Wilbert, help me sabi niya"
Si Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo credit: Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Ayon kay Wilbert, humingi ng tulong sa kanya si Xander para sa 'career growth umano nito.

"Nag-message din siya sa akin. Nanghingi siya ng tulong sabi niya 'Sir Wilbert, help me... Ganun"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag daw ni Xander, limang taon na ang kanyang career at nais niyang magpatulong kay Wilbert.

"Ang gusto niyang mangyari, siya yung susunod sa yapak ni Madam Inutz," kwento ni Wilbert ngunit pinaliwanag niya kay Xander na magkaiba ang sitwasyon nila ni Madam Inutz na kasalukyan na ngayong talent ni Wilbert.

Kaibigan din umano ni Wilbert ang manager talaga ni Xander ay ayaw din niyang magkaroon ng problema sa mga ito.

Gayunpaman, handa namang daw si 'Sir Wil' na magbigay ng iba pang tulong o maging payo kay Xander kung kailangan nito.

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Dahil dito, 'tatablahin' daw niya si Xander na nasa pangangalaga pa rin umano ng 'Star Image Artist Management.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Tita Jegs:

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa kanyang mga vlogs sa kanyang YouTube channel na hindi lamang puro entertainment ang hatid kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Isa rin siyang talent manager at isa nga sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel