Mimiyuuuh, 'tatablahin' umano ni Wilbert Tolentino: "Biglang nag-ask siya ng price"

Mimiyuuuh, 'tatablahin' umano ni Wilbert Tolentino: "Biglang nag-ask siya ng price"

- Sa 'kukupkupin o tatablahin' challenge kay Wilbert Tolentino, nasabi niyang tatablahin niya ang vlogger na si Mimiyuuuh

- Ito ay dahil sa inaya niya ito para mag-collab ngunit nagulat siya nang magtanong ito ng umano'y talent fee

- Kwento pa ng manager ni Madam Inutz kay Tita Jegs, tatlo pa umanong mga vlogger ang 'nag-ask ng price' sa paggawa sana ng collaboration sa kanila

- Gayunpaman, naiintindihan ni Sir Wil ang umano'y pagtatanong ng TF ni Mimiyuuuh gayung baka may management din daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong vlog ni Tita Jegs, panauhin niya ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na ginawa nila ang 'kukupkupin o tatablahin' challenge kung saan nagbanggit ng mga pangalan ng mga artista at mga vlogger si Tita Jegs at sasabihin ni 'Sir Wil' kung kukupkupin niya ito o tatablahin.

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Mimiyuuuh, 'tatablahin' ni Wilbert Tolentino; "Biglang nag-ask siya ng price"
Photo credit: Mimiyuuuh
Source: Facebook

Isa sa mga nabanggit ni Tita Jegs ang kilalang content creator na si Mimiyuuuh.

Nagulat si Tita Jegs nang makitang 'tatablahin' ni Sir Wil ang sikat na vlogger at influencer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ni Wilbert, magkakaroon sana sila ng collab. Subalit bigla raw umano itong nagtanong ng 'talent fee.'

"Tatablahin ko siya dahil during the time na ano kami magko-collab, biglang nag-ask siya ng price."

"Tapos 'yung price hindi pa reasonable, kaya nagulat akes" dagdag pa ng manager ni Madam Inutz na isa na ring YouTuber.

Kwento pa ni Sir Wil, tatlong vlogger umano ang nag-ask ng 'tf' para makipag-collab sa kanya ngunit hindi na niya pinangalanan ang mga ito.

Gayunpaman, naiintindihan naman daw ni Sir Wil si Mimiyuuuh at marahil mayroon din itong management na humahawak sa kanya.

Read also

Vlogger Kim Whamos Cruz, ipina-Tulfo ng dalawang babaeng TikToker

"Pero I have nothing against him," paglilinaw ni Sir Wil. "Baka may management din siya kaya naiintindihan ko"

Narito ang kabuuan ng makulit na challenge kay 'Sir Wil' sa YouTube channel ni Tita Jegs:

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa kanyang mga vlogs sa kanyang YouTube channel na hindi lamang puro entertainment ang hatid kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Isa rin siyang talent manager at isa nga sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel