Vlogger Kim Whamos Cruz, ipina-Tulfo ng dalawang babaeng TikToker

Vlogger Kim Whamos Cruz, ipina-Tulfo ng dalawang babaeng TikToker

- Ilang babae pang nagpakilalang TikToker ang nagreklamo at ipina-Tulfo ang social media personality na si Kim Whamos Cruz

- Ito ay matapos na unang magreklamo ng ina ng umano'y girlfriend ni 'Whamos' sa 'Wanted sa Radyo ni Tulfo'

- Ayon sa mga babaeng TikToker, may masama umanong binalak at nagawa sa kanila si Whamos na labag sa kanilang kagustuhan

- Pinabulaanan ito ng vlogger at pinalalabas na siya pa umano ang nagamit ng mga babae upang dumami ang followers ng mga ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabasan na ang iba pang mga babaeng naging biktima umano ng kontrobersyal na vlogger ngayon na si Kin "Whamos" Cruz.

Nalamang ng KAMI na dalawa pang mga TikToker ang lumutang sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo para ireklamo ang hindi magadang nagawa umano sa kanila ni Whamos.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Isa na rito si Rose Ann Sabile na naaya ni Whamos na makipag-collab. Nangyari naman ito ngunit sinasabing may ibang muntik nang magawa sa kanya ang vlogger.

Vlogger Kim Whamos, ipina-Tulfo ng iba't ibang babaeng TikToker
Vlogger Kim Whamos Cruz (@masterwhamos)
Source: Instagram

Halos ganoon din ang nangyari sa isa pang TikToker na si Honey na nagawa pang idetalye ang 'di magandang bagay na muntik nang magawa sa kanya ng vlogger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang kapanayamin naman ni Tulfo ang inirereklamong si Whamos, pinabulaanan niya ang lahat ng akusasyon.

Aniya, siya pa umano ang nabiktima at pinalalabas niyang siya umano ang mga nagamit ng mga babaeng ito para dumami ang kanilang followers at ma-monetize ang kanilang account.

"Gumagawa sila ng paraan para pabagsakin ako... Kay Rose Ann po muna tayo sir Raffy, wala pong katotohanan 'yon."
"Kaya lalong naggaga-ganyan yan, naghahabol po sa akin yan one month na nga po kaming hindi nag-uusap e. Hindi ko lang po alam kung anong hinahabol sa akin niyan. Alam ko naman pong pera 'yon. Sinabi ko namang tutulungan ko siyang mag-vlog opo."

Read also

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

"Hindi ka pa ba nagpasalamat na na-monetize ang YouTube mo. Walang nanonood sa'yo, sa akin lang"
"Makinig ka. (Rose Ann) 'Di ba, nagwithdraw ako ng kalahating milyon, kasama ko po siya... Gusto rin po niyang magkaroon ng malaking pera."

Mapapanood ang kabuuan ng panayam ni Tulfo kay Whamos at sa mga nagreklamo sa kanya sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel. Naibahagi rin ito ng Facebook page na Troom Troom TV.

Si Whamos Cruz ay isang vlogger sa Pilipinas. Kamakailan, naging kontrobersyal si Whamos na bukod sa pag-amin sa relasyon nila ni Antonette Gail del Rosario, una na siyang naireklamo ng ina nito sa programa ni Raffy Tulfo.

Nais umano kasing pabalikin ni Dolly Del Rosario ang anak na si Antonette sa kanila at makuha ito umano sa poder ng vlogger. Tumanggi naman si Antonette sa takot pa rin umano nito sa kanyang stepfather.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel