Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

- Matapos nga ilabas nila ni Toni Fowler ang isang video kung saan pinaalam nila ang kanilang naging usapan isinapubliko na ni Rob Moya ang babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

- Ipinagpaalam niya umano kay Toni ang kanyang panliligaw dahil nagkaayos naman na sila

- Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Rob ang picture nila ng kanyang bagong pag-ibig na kanyang tinawag na si Jen

- Hindi kagaya sa kanyang nakaraang karelasyon, mas naging positibo ang pagtanggap ng netizens sa kanyang pinakilalang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang kanilang pagbabati, tila tuloy-tuloy na ang maayos na relasyon ng vlogger na si Toni Fowler at Rob Moya bilang magkaibigan.

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso
Rob Moya
Source: Facebook

Kamakailan ay ipinagpaalam niya kay Toni ang tungkol sa kagustuhan niyang ipakilala sa publiko ang babaeng kanyang nililigawan at ayon kay Toni ay suportado niya ang desisyong ito ni Rob.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Kapansin-pansin na marami na ang mga positibong komento sa kanyang post kung saan pinakilala niya na ang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso. Ito ay hindi kagaya sa naunang babaeng naugnay sa kanya matapos nilang maghiwalay ni Toni.

Nabanggit naman ni Toni na nakausap niya na ang babaeng ito at aprubado sa kanya ito dahil mabait ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng followers ni Rob:

It's never too late to have someone that will make you happy in everyday of your life. Happy for the both of you, sana siya na talaga.
We love you both . Wag nio po intindihn ung mga basher mga wla lang yan magawa ska tao lng din nagkamali db pwede magbago nako nga naman mga tao tlga mahilig mag judge.

Read also

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

I hope this time papa rob mahanap muna yung totoo happiness na hinahanap mo.

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel