Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

- Sa isang episode ng "Everybody" Sing na ipinalabas ngayong September 12, ang mga kalahok ay mga social media content creator

- Kabilang ang vlogger na si China Roces at ang fiancé niya sa mga kasali at ibinahagi nila ang tungkol sa kanilang engagement na naganap kamakailan lang

- Sa kanilang pag-uusap, inihingi ni China ng payo kay Vice kung paano magkakaroon at mapanatiling healthy ang isang relasyon

- Sagot naman ni Vice, para makilala nang husto ni China ang pagkatao ng kanyang karelasyon, payagan niyang pumunta ito ng Baguio kasama ang kanyang best friend dahil aniya "Baguio is the key"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda nang tanungin siya ni China Roces ng advice na pwede niyang maibigay para mapanatiling healthy ang isang relasyon.

Aniya, kailangan malaman muna ni China ang kalakasan at kahinaan ng kanyang karelasyon. Para malaman umano nito ang totoong pagkatao ng kanyang karelasyon, dapat umanong payagan niyang pumunta sa Baguio ang kanyang boyfriend kasama ang kanyang bestfriend.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Vice Ganda may nakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon
China Roces (@yourbabychina)
Source: Instagram

Hirit pa ng TV host, "Baguio is the Key!"

Natawa naman ng husto si China at pabiro ding nagpasalamat sa advise na ibinigay sa kanya ni meme Vice.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naganap ang kanilang naging pag-uusap sa isang episode ng Everybody Sing na ipinalabas ngayong September 12, ang mga kalahok ay mga social media content creator.

Matatandaang naging laman ng mga biruan ang naging pahayag ni Paolo Contis kaugnay sa kanyang paglilinaw sa pagkakakita sa kanila ni Yen Santos na magkasama sa Baguio.

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer.

Kamakailan ay tuluyan nang naghiwalay sina China at Tim. Matatandaang naging emosyonal si China nang ibahagi niya ang paghihiwalay nila.

Read also

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag ang mga kaibigan ni Tim para pasinungalingan ang naging pahayag ni China kaugnay sa paghihiwalay nila ni Tim.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel