Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

- Patok sa Texas, USA ang Old Rooster Creek na food business ng isang Pinay

- Nagsimula umano sa litsunan ang kanilang kainan na kalaunan ay nilagyan nila ng iba pang putahe

- Tila nagkaroon ng karinderya sa Amerika dahil lahat ay lutong Pinoy ang kanilang inihahain

- Dahil sa dami ng tumatangkilik sa kanila, umaabot sa Php100,000 ang kanilang kinikita tuwing nagbubukas 'pag weekend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patok maging sa ibang lahi ang foob business ng Pinay na si Josephine "Jo" Cook sa Texas, USA.

Nalaman ng KAMI na talagang binabalik-balikan ang mga putaheng Pinoy niya sa kanilang 'karinderya' na 'Old Rooster Creek.'

Nagsimula sa litsunan ang kanilang negosyo na kalaunan ay sinamahan nila ng iba't ibang lutong ulam.

Kainan sa Texas,USA na may 'kariderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi
Kainan sa Texas,USA na may 'kariderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi (Photo: Josephine Cook)
Source: Facebook

Dinadayo ang kanilang lugar kahit tuwing Biyernes hanggang Linggo lamang sila nagbubukas.

Read also

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mister ni Jo na si Allen ang namamahala naman sa lechon na mabenta rin sa kanilang kainan.

Ang kagandahan pa sa karinderya ni Jo, karamihan sa mga rekado niya ay mula sa kanyang garden.

Sa dami ng mga tumatangkilik sa kanyang pagkain, umaabot sa katumbas Php100,000 ang kinikita nilang mag-asawa tuwing weekend.

Samantala, kung may mga ulam, mayroon ding mga 'desserts' o tinatawag nating panghimagas sa tabi lamang ng resto ni Jo.

Ito naman ang Pinoy desserts at kakanin ng isa ring Pinay na si Hazel. Matapos daw kasing kumain ng mga customer ni Jo, naghahanap ito ng 'sweets' kaya naman diretso ang mga ito sa pwesto ni Hazel.

Narito ang video ng panayam sa kanila ng GMA Public Affairs:

Nakatutuwang isipin na maging sa ibang bansa ay nakikilala ang mga pagkaing Pinoy.

Read also

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

Matatandaang patok din sa Amerika ang iba pang street food ng mga Pilipino tulad ng kwek-kwek, fishball, kikiam at maging inasal.

Maging ang Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau ay nagustuhan din ang adobo na pinag-aralan pa umano ng kanyang misis na lutuin. Subalit, aminado ito na bagaman at fan din siya ng pagkain ng 'Jollibee', naibahan siya umano sa timpla ng ating spaghetti.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica