Komento ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ukol sa Jollibee spaghetti, viral

Komento ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ukol sa Jollibee spaghetti, viral

- Naging usap-usapan ng mga Pinoy ang komento ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau tungkol sa Jollibee spaghetti

- Sinabi niyang makailang beses siyang nakakain Jollibee at tanging ang spaghetti ang nilarawan niyang 'hindi niya raw maintindihan'

- Gayunpaman, pinasalamatan niya ang mga Filipino frontline workers sa Canada na kanilang inaasahan ngayong pandemya

- Hinihikayat din niya ang mga Filipino Canadian na maging bahagi ng pamahalaan at pamunuan ng Canada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang komento ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau tungkol spaghetti ng Jollibee.

Nalaman ng KAMI na sa virtual celebration ng Filipino Heritage Month, naikwento ni Trudeau ang tungkol sa mga pagkaing Pinoy na kanyang nagustuhan.

Katunayan, pinag-aralan na raw ng kanyang misis ang 'chicken adobo' na kanyang nagustuhan.

Subalit, tahasan namang pinuna ng Canadian Prime Minister ang spaghetti ng sikat na Pinoy fast food chain sa bansa.

Read also

Ogie Diaz, inaming nainis kina Snooky Serna at Jomari Yllana

Komento ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ukol sa Jollibee spaghetti, viral
Photo: Canadian Prime Minister Justin Trudeau (Justin Trudeau)
Source: Facebook
“I got to go to Jolibee, both in Manila, but especially in Winnipeg and, and that spaghetti stuff don't quite understand"

Ngunit sinabi naman niyang pasok sa kanyang panlasa ang peach mango pie at iba pang pagkain sa Jollibee.

“But the mango pie and everything else was just amazing,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan din ni Trudeau ang mga Filipino frontliners sa Canada na inaasahan din ng kanilang bansa ngayong pandemya.

Hinikayat din niya ang mga Filipino-Canadian na maging bahagi ng pamahalaan ng kanilang bansa upang magkaroon lalo ng boses ang mga kababayan nating naroon.

“If not now, then in the coming years. Some strong young Filipino Canadians stepping up and saying you know what, it's time my voice got heard. I want to be part of this, and we will welcome you with open arms,” pahayag pa ng pinuno ng Canada.

Narito ang kabuuang panayam sa kanya ni Filipino-Canadian television personality Melissa Grelo na ibinahagi rin ng ABS-CBN News:

Read also

Video ng mga pusa na kasalo sa pagkain ang isang daga, kinaaliwan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaan na taong 2017 bumisita sa bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau para sa ASEAN Summit. Bukod sa naki-order din siya sa Jollibee North Harbour Branch sa Manila, nagpaunlak pa siyang makihalaubilo sa mga customer roon.

Nito namang nakaraang taon, tinamaan din ng COVID-19 ang misis niyang si Sophie dahilan upang ma-quarantine silang pamilya. Sinabing mula sa London ang kanyang misis na kinakitaan ng simpleng sintomas ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica