Video ng mga pusa na kasalo sa pagkain ang isang daga, kinaaliwan

Video ng mga pusa na kasalo sa pagkain ang isang daga, kinaaliwan

- Umani ng mga reaksiyon ang isang video kung saan makikita ang isang grupo ng mga pusa na kumakain

- Kasalo nila sa pagkain ang isang malaking daga at ikinagulat ito ng marami dahil sa paniniwalang hindi ito posible

- Nakasanayan ng marami na takot ang mga daga sa pusa dahil kadalasan ay hinahabol ng pusa ang dagang kanilang nakikita

- Umabot na sa halos 30,000 na-share at 1,500 reactions ang nasabing video sa kasalukuyan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pangkaraniwang makitang magkasalong kumain ang pusa at daga dahil kadalasan ay makikitang nagtatago ang daga lalo na kapag nakakakita ng pusa.

Gayunpaman, sa isang video na ibinahagi ng Facebook Page na Hezký, makikita ang isang grupo ng pusa na nagsasalo-salong kumakain.

Video ng mga pusa na kasalo sa pagkain ang isang daga, kinaaliwan
Screenshot from Hezký
Source: Facebook

Nang lapitan ng lalaking kumukuha ng video ang mga pusa, makikita ang isang daga na kumakain din sa parehas na kainan.

Read also

Madam Inutz, nagbabala; "Wag kayong magkamali sa pina-follow na account"

Kinalaunan isang pusa ang nagtaboy sa daga kaya umalis na rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang kabuoan ng video dito:

Umani ito ng reaksiyon mula sa netizens:

So scripted lang pala yung habulan niyo sa Kusina,tuwing madaling araw? haha!
Mga pusa dati nag huhunting ng daga,Ngayon tamang bukas nalang ng kaldero e no
Yung nagalaga ka ng pusa para may manghuli ng daga, pero yung pusa nag alaga ng daga pinalo nga lang ni Joaquin. haha!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Read also

19-anyos na Pinoy streamer, kumita na agad ng Php15,000 dahil lang sa pagtulog

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel