Sekyu na umiiyak sa viral video, mabibigyan na ng sahod sa tulong ni Raffy Tulfo
- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral na security guard na umiiyak sa kanyang video
- Emosyonal ang sekyu dahil isang buwan na umano silang hindi pinasasagod
- 12 hours din siyang naka-duty at wala rin daw umano siyang ka-relyebo
- Nakapanayam ni Tulfo ang operations manager ng security agency at pinakiusapan niya itong ibigay na ang sweldo ng security guard na wala nang pambili ng pagkain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na mag-viral ang kanyang video, nakarating na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang sinapit ng security guard na si Moises Sevilla.
Nalaman ng KAMI na si Sevilla ang sekyu na napaiyak sa kanyang video dahil sa hindi umano sila pinasasahod, isang buwan na ang lumipas.
Ayon pa kay Sevilla, dose oras ang kanyang duty at wala na umano silang rest day dahil wala rin silang ka-relyebo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
At dahil walang sinasahod, aminadong gutom ang kanyang inaabot dahil ni pambili ng pagkain ay wala na rin umano siya.
Nabanggit pa ng sekyu na sinubukan na umano nilang magtanong sa kanilang agency ngunit ang sagot daw ng mga ito ay hindi pa sila nakakasingil na siyang ipasasahod sa kanila.
Dahil dito, agad na kinapanayam ni Tulfo ang operations manager ng Salvus security agency na si Antonio Abisan.
Sinabi nitong terminated na ang kontrata nila sa naturang agancy kung saan patuloy pa rin silang nagbibigay serbisyo.
Pinabulaanan pa nito ang sumbong ng sekyu kay Tulfo na halos hindi na sila makauwi dahil wala silang kapalitan sa trabaho. Ayon kay Abisan, pinili raw ng mga sekyu na doon na manirahan sa kanilang binabantayan.
"Hindi naman na sila pinapa-duty diyan sir, diyan na lang sila nakatira sir."
Agad namang tinanong ni Tulfo kung ito ay nailagay sa kasulatan o memo nang sa gayon, maayos na nalaman ng mga sekyu ang kanilang sitwasyon sa trabaho.
Sa kasamaang palad, wala raw silang anumang kasulatan o termination of contract kaya naman mas lalong iginiit ni Tulfo na dapat nang pasahurin sina Sevilla.
"Hingin mo na 'yung sweldo ni Moises, kung hindi, bibigyan kita ng malaking problema!"
"This is not a threat, pero gagawin ito, magkakaroon ng problema ang inyong kompanya!"
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Madalas ding mabigyan ng tulong ni Tulfo ang mga kwentong viral sa social media.
Isa na rito amang sinurpresa ng kanyang mga anak sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng paggawa ng lobo na gawa lamang sa plastik bag at itlog na ginawang cake.
Nabigyan ni Tulfo ng tulong pinansyal ang mag-anak maging ang kapitbahay nilang nag-post ng nakakaantig ng pusong kwento ng mag-anak.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh