Live-in partner ng lalaking namatay dahil sa parusang 100 push-up, nagpa-Tulfo na

Live-in partner ng lalaking namatay dahil sa parusang 100 push-up, nagpa-Tulfo na

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang live-in partner ni Darren Peñaredondo, ang lalaking sinasabing pumanaw matapos mag-300 na push up

- Lumabag daw sa curfew si Peñaredondo kaya bilang kaparusahan, pinag-push up umano ito ng 100 na beses na umabot pa sa 300

- Pilit namang itinatanggi ng chief of Police ng General Trias, Cavite ang pagpapa-ehersisyo sa mga lumabag sa curfew

- Dahil dito, nais ni Tulfo na mai-relieve na muna sa pwesto ang mga pulis at maging ang hepe ng General Trias habang umuusad ang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong si Reichelyn Balce, ang live-in partner ng lalaking pumanaw umano matapos na iinda ang 300 beses na push-up na kanyang ginawa bilang parusa sa kanya sa paglabag sa curfew noong Abril 1, Huwebes Santo.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyan nang nakaburol si Darren Peñaredondo sa kanilang inuupahang bahay ng partner sa Cavite matapos na ito ay pumanaw noong Linggo, Abril 4.

Read also

Lalaking nahuli kasabay ni Darren Peñaredondo, sinabing pinag-exercise sila

Live-in partner ng lalaking namatay dahil sa parusang 100 push-up, nagpa-Tulfo na
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Muling idinetalye ni Reichelyn ang pangyayari kung saan bibili lang sana ng inumin si Darren nang mahuli ito bandang alas sais ng gabi noong Huwebes.

Kinabukasan na ito umuwi at halos hindi na talaga makalakad. Hinatid lamang ito ng nakasama niyang curfew violator din.

Ayaw pa umanong magsalaysay ni Darren ng nangyari ngunit nang mapilit na siya ni Reichelyn, doon sinabing ang 100 push-up na parusa ay umabot sa 300.

Nabanggit din nitong mahina ang puso ni Darren na malaki raw ang posibilidad kung bakit ganoon na lamang ang sinapit nito matapos na gawin ang kaparusahan.

Nang kapanayamin na ni Tulfo ang Chief of Police ng General Trias na si P/Lt. Marlo Solero, mariin nitong itinanggi na hindi sila nagpapa-ehersisyo lalo na ang pumping o push-up bilang parusa sa mga lumalabag sa curfew.

"I think the Chief of Police is lying" ang matapang na pahayag ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Pulis sa Cavite, itinanggi ang 300 push-up na parusa sa yumaong curfew violator

Dahil dito, kinausap din niya ang PBGen. Ildebrandi Usana, ang spokesperson ng PNP.

Maging siya ay hindi sang-ayon sa sinasabing kaparusahan na nauwi sa pagkamatay ni Peñaredondo.

Aniya, maari naman itong pagawin na lamang ng community work o mabigyan ng ticket ngunit hindi ang pisikal na gawain tulad ng pumping o push-up.

Diretsahan nang hiniling ni Tulfo kay Usana na kung maari ay ma-relieve muna sa pwesto ang mga pulis na umano'y nagparusa kay Peñaredondo gayundin ang Shief of Police sa lugar habang umuusad ang kaso.

Samantala, nangako namang tutulong si Tulfo sa mga kagastusan sa pagpapalibing kay Peñaredondo gayundin ang pagkamit nito ng hustisya sa biglaang pagkamatay.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Raffy Tulfo, may panawagan muli kay DOH. Sec. Duque pati na rin kay FDA Sec. Domingo

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga tinututukan ngayon ni Tulfo ay ang sinasabing gawain nina DOH Secretary Francisco Duque at ni Dr. Eric Domingo ng FDA.

Makailang beses na niyang tinawag ang atensyon ng mga ito lalo na ng Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na pilit na lamang niyang iminumungkahi ang pagre-resign na lamang nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica