Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Francisco Duque; "Resign, c'mon!"

Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Francisco Duque; "Resign, c'mon!"

- Muling naglabas ng saloobin si Raffy Tulfo patungkol kay DOH Sec. Francisco Duque

- Bukod dito, maging si FDA secretary Eric Domingo ay pinagbibitiw na rin niya sa tungkulin

- Aniya, mas marami pa raw ang mas magagaling sa mga ito na sa tingin niya'y makakatulong sa laban natin sa COVID-19

- Nagbigay din si Tulfo ng ilang mga halimbawa ng umano'y kapalpakan na nagawa ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nakapagbitaw ng maaanghang na mga salita si Raffy Tulfo patungkol sa dati na niyang panawagan na mag-resign na si Department of Health Secretary Francisco Duque.

Nalaman ng KAMI na ito na ang pangalawang pagkakataon na tahasang sinabi ni Tulfo ang dapat na pagbibitiw na sa tungkulin ni Duque at ngayon, pati na rin ng FDA secretary na si Dr. Eric Domingo.

Read also

Food delivery rider, nagulat sa libreng "palugaw" ng kanyang naging customer

Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Francisco Duque; "Resign, c'mon!"
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa patuloy na pagtaas kasi ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nararapat lamang daw na mas mabibigat na aksyon na ang isinasagawa ng DOH gayundin ng FDA na nag-aapruba ng mga gamot na maaring magamit kontra sa virus.

Ayon kay Tulfo, nakalulungkot na isipin na sa kabila ng hirap ng mga kababayan nating tinatamaan ng virus na matiyagang pumipila sa mga punuang ospital kahit pa agaw-buhay na sila, mayroon din namang mga "oportunista" na pinagkakitaan pa umano ang pandemya.

"Unfortunately, itong mga scammer, ilan sa kanila ay mga taga-gobyerno na nagsasamantala"

Nagbigay pa si Tulfo ng ilang halimbawa ng Chinese medicine na dating ipinagbabawal sa bansa na ngayo'y aprubado na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mura raw kasi ito at kahit na paano'y kayang mabili ng masa kumpara sa ibang mga gamot na libo-libo ang inaabot ng halaga na di kayang bilhin ng karamihang mga Pilipino.

Read also

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, namahagi ng biyaya sa mga kapwa tindero

Nabanggit din ni Tulfo ang kabi-kabilang mga panawagan kay Duque na magbitiw na sa pwesto ngunit hindi pa raw nito ginagawa.

"Even the senators na kaalyado ng pangulo, pinagre-resign na po kayo, maging mga kapwa niyo doktor nagsasabi na it's time for you to go, pero bakit ayaw niyo pa rin sir?"

Dagdag pa ni Tulfo, kung talagang may prinsipyo pa umano si Duque, lalo na at kaibigan umano nito ang presidente, siya na mismo dapat ang kusang magresign bilang kalihim ng DOH.

"Sir (Duque) naman, kung talagang ang intensyon niyo lang ay ang maglingkod sa bayan, at kabila niyan ay ikaw ay binabatikos, at sinasabing wala kang silbi, umalis ka na diyan then leave!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Read also

Doktor, emosyonal na ibinahagi na nagkukulang na rin ng mga gamot at pasilidad sa ospital

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Halos isang linggo lamang ang nakalipas nang unang makapagbitaw ng mabibigat na salita si Tulfo kay Sec. Duque ng DOH.

Isa lamang si Tulfo sa labis nang nababahala sa mga nangyayari sa bansa sa laban natin sa COVID-19 lalo na at halos isang buwan nang pataas nang pataas ang mga patuloy na tinatamaan ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica