Naitalang COVID-19 sa Pinas sa loob lang ng isang araw, umabot sa mahigit 15,300

Naitalang COVID-19 sa Pinas sa loob lang ng isang araw, umabot sa mahigit 15,300

- Lumampas na sa 15,300 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Abril 2

- Mula Marso 26, 'di na bumaba sa bilang na 6,000 ang mga naitatalang nagpopositibo sa COVID-19 araw-araw

- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 153,809 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Kasalukuyan nang nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang greater Manila area dahil sa 'di mapigilang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na nga sa bilang na 15,310 ang mga dumagdag na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Abril 2.

Ito ay dahil sa mga backlog na dumagdag na umabot din sa bilang na 3,709 dahil sa mga technical issues na nangyari sa COVID-Kaya app.

Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 771,497 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Read also

13 empleyado ng MRT Santolan, Ortigas at Cubao, nagpositibo sa COVID-19

Naitalang COVID-19 sa Pinas sa loob lang ng isang araw, umabot sa mahigit 15,300
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Sa bilang na 15,310, 96.3% sa mga ito ay mild, 2.4% naman ang asymptomatic cases. 0.5 % ang severe, at 0.5 % naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.32% naman ang moderate.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 153,809 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, sa kabila ng mataas na bilang ng mga naidagdag na confirmed cases, 434 lamang ang mga naitalang naka-recover at 17 naman ang mga pumanaw.

Noon pang 26, hindi na bumaba pa sa 6,000 ang mga dumadagdag na kaso kada araw. Madalas ding 9,000 + ang mga dumadagdag at bago pa umabot sa bilang na 15,000+, pumalo na rin sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 29.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dalawang linggo na ang nakalipas, nang tawaging "NCR plus" ang Metro Manila at mga karatig lugar nito tulad ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.

Read also

COVID-19 cases sa Pinas, lampas 10,000 ang nadagdag sa loob lang ng isang araw

Ngunit dahil sa hindi mapigilang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo na ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsasailalim ng "NCR plus" sa enhanced community quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Sinasabing ito ay upang maibsan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 at panatilihin muli sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nasa NCR Plus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus mayroon ding curfew na mula 6:00pm hanggang 5:00am.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersya tungkol sa pagpapatupad ng curfew na ito kung saan isang delivery rider ang 'di napalusot ng barangay personnel sa Bulacan dahil sa hindi raw essential good ang lugaw na order ng customer nito.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Doktor, emosyonal na ibinahagi na nagkukulang na rin ng mga gamot at pasilidad sa ospital

Nakarating ang viral video nito sa Malacañang at nilinaw ni Roque na bilang isang pagkain ang lugaw, kasama ito sa essential goods na pinahihintulutang mag-operate at magbigay serbisyo kahit ang lugar ay nasa ilalim ng ECQ.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica