13 empleyado ng MRT Santolan, Ortigas at Cubao, nagpositibo sa COVID-19

13 empleyado ng MRT Santolan, Ortigas at Cubao, nagpositibo sa COVID-19

- Tinamaan ng COVID-19 ang 13 empleyado ng MRT-3 mula sa Santolan, Ortigas at Cubao Station

- 12 sa kanila ay pawang mga teller habang ang isa naman ay cash assistant

- Agad na nagsagawa ng contact tracing sa mga nagpositibo at hindi na rin pinag-report pa sa trabaho ang mga close contact nila

- Siniguro naman ng DOTr na naka-protective gear ang mga empleyado ng MRT-3 upang masiguro ang kaligtasan na ring ng mga pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpositibo sa COVID-19 ang 12 teller at isang cash assistant ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Kinumpirma ito ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Lunes, Marso 29 ayon sa ulat ng GMA News.

Sa inilabas ng pahayag ng DOTr, sinabing mula ang mga nagpositibo sa virus na empleyado sa Santolan, Ortigas at Cubao station.

Read also

COVID-19 cases sa Pinas, lampas 10,000 ang nadagdag sa loob lang ng isang araw

13 empleyado ng MRT Santolan, Ortigas at Cubao, nagpositibo sa COVID-19
Photo: Metro Rail Transit Line 3 (Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon sa ABS-CBN News, agad na nagsagawa ng contact tracing sa 13 empleyado at ang nasa 114 na naikonsidera na close contact nila ay hindi na muna pinapasok sa trabaho.

Nagkataon namang tigil operasyon ang MRT-3 ngayong Marso 29 hanggang Abril 3 at magbabalik operasyon sa Linggo, Abril 4.

Ito ay bunsod na rin ng enhanced community quarantine na nakataas ngayong sa "NCR Plus."

Samantala, sa ulat ng Manila Bulletin, nilinaw naman ni Transportation Asec. Goddess Libiran na ang mga tellers at station personnel ng MRT-3 ay naka-protective gear upang masiguro rin ang kaligtasan hindi lamang ng empleyado kundi lalo na ang kanilang mga pasahero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dalawang linggo na ang nakararaan nang mag-viral ang dalawang cleaning staff ng MRT-3 na nakunan ng video na hindi maayos na nadi-disinfect ang loob ng tren.

Labis itong ikinabahala ng mga netizens partikular na ang mga araw-araw na nakikipagsapalarang sumakay ng MRT-3.

Una nang sumailalim sa disciplinary action ang dalawa ngunit kalaunan ay sinibak din ito sa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica