COVID-19 cases sa Pinas, lampas 10,000 ang nadagdag sa loob lang ng isang araw

COVID-19 cases sa Pinas, lampas 10,000 ang nadagdag sa loob lang ng isang araw

- Lumampas na sa 10,000 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Marso 29

- Ikaapat na araw na ito na 'di bumababa sa 9,000 ang dumadagdag na kaso mula pa noong Marso 26

- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 115,495 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Mula ngayon, Marso 29 hanggang Abril 4, sasailalim muli sa enhanced community quarantine ang Metro Manila at iba pang nasasakupan ng tinatawag na "NCR Plus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na nga sa bilang na 10,016 ang mga dumagdag na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Marso 29.

Ito na ang ikaapat na araw kung saan mahigit 9,000 ang dumadagdag na bagong kaso kada araw.

Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 731,894 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Read also

Doktor, emosyonal na ibinahagi na nagkukulang na rin ng mga gamot at pasilidad sa ospital

COVID-19 cases sa Pinas, lampas 10,000 ang nadagdag sa loob lang ng isang araw
COVID-19 (Photo from Pixabay)
Source: UGC

Sa bilang na 10,016, 95.9% sa mga ito ay mild, 2.4% naman ang asymptomatic cases. 0.7 % ang severe, at 0.7 % naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.41% naman ang moderate.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 115,495 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala sa kabila ng mataas na bilang ng mga naidagdag na confirmed cases, 78 lamang ang mga naitalang naka-recover at 11 naman ang mga pumanaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noon pang Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw at tila patuloy pa ring tumataas.

Patuloy pa ring dumarami ang mga dumadagdag na kaso kung saan nitong Marso 26, halos 10,000 ang dumagdag o nasa 9,838 at makalipas nga lang ng tatlong araw, lumampas na ito sa 10,000

Read also

COVID-19 cases sa Pinas, tatlong araw nang 'di na bumababa sa 9,000 ang mga bagong kaso

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang isang linggo,tinatawag na "NCR plus" ang Metro Manila at mga karatig lugar nito tulad ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.

pinatutupad sa mga lugar na ito ang mas istriktong polisiya sa ilalim pa rin ng general community quarantine.

Ngunit dahil sa hindi mapigilang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo na si Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsasailalim ng "NCR plus" sa enhanced community quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Ito ay upang maibsan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 at panatilihin muli sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nasa NCR Plus.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ilang mga showbiz personalities ang 'di mapigilang maglabas ng kani-kanilang saloobin ukol dito.

Read also

Miss Grand International PH, lalong hinangaan dahil sa kanyang mga sagot sa Q&A

Sa kabila kasi ng patuloy na pagpapaalala sa publiko ng mga safety protocols, may mga ilan pa rin na lumalabag at posibleng nagiging dahilan ng patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica