Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, namahagi ng biyaya sa mga kapwa tindero

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, namahagi ng biyaya sa mga kapwa tindero

- Namigay ng biyaya ang kutsinta vendor na natulungan ng aktres na si Ivana Alawi

- Matapos na makatanggap ng mga biyaya mula kay Ivana, hindi siya nakalimot na ibahagi ito sa mga kapwa niya tindero

- Matatandaang siya ang nagmalasakit na magbigay ng limos at magpakain kay Ivana nang magpanggap ito bilang pulubi

- Marami ang nakasaksi na ipinamili ni Ivana ang kutsinta vendor ng groceries, gamit sa bahay at pati na rin motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Likas na matulungin si Tatay Joselito Martinez, ang 58-anyos na kutsinta vendor na nagmalasakit kay Ivana Alawi nang magpanggap ito na isang pulubi.

Nalaman ng KAMI na matapos na makatanggap ng biyaya mula sa aktres ay siya naman ang patuloy na namigay ng tulong sa kanyang kapwa tindero.

Sa kanya mismong YouTube video, makikita na nagre-repack si Tatay Joselito ng tig tatlong kilong bigas at ilang pakete ng kape.

Read also

Basel Manadil, nagbigay ng 100x ng presyo ng lahat ng nabili bilang tulong sa magtataho

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, namahagi ng biyaya sa mga kapwa tindero
Photo from Ivana Alawi
Source: UGC

Aniya, ipamimigay daw niya ito sa mga kapwa niya naglalako at alam niyang malaking tulong ang mga ito para sa kanila.

"Binigyan mo ako ng tulong kaya magbibigay din ako sa mga kapwa ko tindero"

Matatandaang si Tatay Joselito ang puto/kutsinta vendor na nagbigay ng Php20 kay Ivana at pinakain pa niya ito ng kutsinta nang magpanggap itong pulubi na wala umanong pamasahe pauwi ng Baguio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bukod pa rito, nakipagkwentuhan pa ito kay Ivana at inalok pa niya ito na bibilhan niya ng softdrinks bilang panulak sa kinakain nitong kutsinta.

Doon na naluha ang aktres at tinumbasan ng Php20,000 ang Php20 na ibinigay ni Tatay Joselito.

Makalipas ang ilang araw, kumalat na ang mga larawan at video ng mga netizens na nakakita kay Ivana na ipinamimili ng mga grocery at gamit sa bahay si Tatay Joselito.

Read also

Kutsinta vendor, naluha sa bagong motorsiklong bigay sa kanya ni Ivana Alawi

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ibinahagi rin ni Tatay Joselito na binilhan pa pala siya ni Ivana ng motorsiklo kaya naman ganoon na lamang ang labis na pasasalamat niya sa napakabait at matulungin na aktres.

Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang umani ng papuri ang aktres at kilalang YouTube vlogger na si Ivana Alawi dahil talagang naluha ito at naantig sa kabaitan sa kanya ni tatay Joselito.

Bagaman bahagyang inulan ng kontrobersiya ang kanyang pagpapanggap na pulubi, nangibabaw pa rin ang kabutihang patuloy niyang ibinabahagi sa iba lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel