Basel Manadil, nagbigay ng 100x ng presyo ng lahat ng nabili bilang tulong sa magtataho
- Isang taho vendor na mula Bacoor, Cavite ang natulungan ng vlogger na si Basel Manadil
- Nakita niya ang magtataho na matiyagang naglalako sa gitna ng araw kaya naisipan niya itong tawagin at nagkunwaring bibili
- Nagpanggap pa ito na walang pambayad at kukuha ng pera sa ATM
- Sa kanyang pagbalik, nagkunwari pa rin siyang walang pambayad at ibibigay na lamang sana ito sa kanya ng vendor
- Doon niya sinabing tutulungan niya ito bilang nakita niya ang sipag at tiyaga ng naglalako
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na namang masipag na mamamayang Pinoy ang natulungan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer"
Nalaman ng KAMI na nadaanan lamang nito ang isang masipag na taho vendor na naglalako sa ilalim ng matinding init ng araw.
Tinawag niya ito para bumili at nakakuha pa siya ng ibang produkto rito tulad ng soya milk.
Nagpanggap si Basel na walang pera at magwi-withdraw at nagtiwala naman sa kanya ang taho vendor.
Sa pagbabalik ni Basel, nagpanggap pa rin itong walang na-withdraw ngunit kalmado pa rin ang tindero ng taho na balak na sanang ibigay sa kanya ang kanyang mga nakuhang produkto.
Doon isiniwalat na ni Basel ang kanyang surpresa at sinabing babayaran niya ang lahat ng mga nakuha niya, 100x ng presyo nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Halos hindi makapaniwala ang taho vendor sa biyayang kanyang natanggap.
Ayon naman kay Basel, nararapat lamang talagang tulungan ang tindero na kitang-kita niya ang pagsisikap sa paglalako.
Ang nakamamangha pa sa taho vendor ay balak pa niyang bahagian ang kanyang mga kasamahang naglalako rin.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang nag-viral na delivery rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, balikan. Hindi lamang niya ito binigyan ng tulong pinansyal, binigyan pa niya ito ng permanenteng trabaho.
Gayundin ang nag-viral na basahan vendor na talagang sinadya pa niya sa tahanan nito sa Rizal para lang mabigyan niya ng tulong.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh