Kutsinta vendor, naluha sa bagong motorsiklong bigay sa kanya ni Ivana Alawi

Kutsinta vendor, naluha sa bagong motorsiklong bigay sa kanya ni Ivana Alawi

- Naluluhang nagpasalamat si ang kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi

- Hindi lamang pala kasi siya pinag-grocery nito, binilhan pa siya ng bagong motorsiklo

- Halos hindi pa rin daw makapaniwala ang vendor sa biyayang kanyang natanggap mula sa aktres

- Namahagi rin ng biyaya sa iba ang vendor tulad nang pagpapakita niya ng kabutihan noon kay Ivana na inakala niyang pulubi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng kutsinta vendor na si Joselito Martinez na binilhan pala siya ng motorsiklo ni Ivana Alawi.

Maaalalang si Tatay Joselito, ang vendor na nagmalasakit kay Ivana nang magpanggap ito na namamalimos at wala umanong pamasahe pauwi ng probinsya.

Imbis kasi na ipagtabuyan o bigyan lamang ng maliit na halaga, Php20 ang ibinigay niya kay Ivana at binigyan pa niya ito ng makakain.

Kutsinta vendor, naluha nang magpasalamat kay Ivana Alawi sa bigay nitong motorsiklo
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Jelai Andres, inihayag ang sama ng loob kay Jon Gutierrez

Dahil dito, labis na naantig ang puso ng aktres kaya naman bukod sa Php20,000 na unang ibinigay niya kay Tatay Joselito ay binalikan pa niya ito para dagdagan ng iba pa nitong mga pangangailangan.

Hindi pa man naibabahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel, marami naman ang nakakita nang ipamili ni Ivana si Tatay Joselito.

Hindi lang pala groceries, refrigirator at iba pang gamit sa bahay ang ibinili ni Ivana sa kanya.

Sa vlog ni Tatay Joselito sa kanyang YouTube channel, ipinakita niya ang bagong motorsiklo na ipinagkaloob din sa kanya ng aktres.

"Ang bait mo talaga, pinag-shopping mo pa ako, binigyan mo ako ng motor... Pasalamat po ako sa inyo"

Talagang naluha si Tatay Joselito at hindi niya akalain na ang simpleng pagmamalasakit sa inakala niyang pulubi ay magbubunga ng napakaraming biyaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janica Nam Floresca, ibinahagi ang kanyang open letter para kay Franco Hernandez

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa iba pa niyang video, ipinakita rin ni Tatay Joselito na nagre-repack siya ng bigas na ipinamigay din niya sa iba pang naghihikhos sa buhay.

Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang umani ng papuri ang aktres at kilalang YouTube vlogger na si Ivana Alawi dahil talagang naluha ito at naantig sa kabaitan sa kanya ni tatay Joselito.

Bagaman bahagyang inulan ng kontrobersiya ang kanyang pagpapanggap na pulubi, nangibabaw pa rin ang kabutihang patuloy niyang ibinabahagi sa iba lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel