Jelai Andres, inihayag ang sama ng loob kay Jon Gutierrez

Jelai Andres, inihayag ang sama ng loob kay Jon Gutierrez

- Nagsalita na rin si Jelai Andres kaugnay sa akusasyong may ibang karelasyon si Jon Gutierrez

- Ibinahagi ng aktres na ngayon niya lang ito umano natuklasan ngunit July pa daw ito nagsimula

- Hindi maiwasang madismaya ni Jelai dahil nagkabalikan na sana sila pagkatapos ng lock-in taping nila

- Dagdag pa niya, excited pa naman sana siyang ibahagi sa lahat na nagkabalikan na sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na rin napigilang magsalita ni Jeai Andres kaugnay sa umano'y pambabae ng asawang si Jon Gutierrez. Ani Jelai, ngayon lang niya natuklasan ang tungkol dito ngunit July pa pala umano nagsimula ang kanilang relasyon.

Jelai Andres, hindi nakapagtimpi dahil kay Jon Gutierrez at sa umano'y "babae" nito
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi rin mapigilang sumama ang loob ni Jelai sa mga kasama ni Jon sa bahay na mga kaibigan niya dahil alam umano ng mga ito ang tungkol sa babae. Dinadala pa umano ni Jon ito sa kanilang bahay.

Read also

Jon Gutierrez, umalma sa pag-post ng kampo ni Jelai Andres sa social media

Pagbabahagi pa ni Jelai, excited pa sana siya na ipaalam sa publiko na nagkabalikan na sila ni Jon doon pa sa kanilang lock-in taping.

Inalmahan niya rin ang mga nagsasabing dapat ay pribado silang nag-usap ng asawa. Aniya, kailangan niya nang ipagtanggol ang sarili niya dahil siya na ang napagbibintangang nagloloko.

Jelai Andres, inihayag ang sama ng loob kay Jon Gutierrez
Jelai Andres (@JelaiAndres)
Source: Twitter

Jelai Andres, inihayag ang sama ng loob kay Jon Gutierrez
Jelai Andres (@JelaiAndres)
Source: Twitter

Jelai Andres, inihayag ang sama ng loob kay Jon Gutierrez
Jelai Andres (@JelaiAndres)
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Read also

Kapatid ni Jelai Andres, binanatan si Jon Gutierrez dahil sa pambabae umano nito

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang, kinakiligan ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel