Jon Gutierrez, umalma sa pag-post ng kampo ni Jelai Andres sa social media

Jon Gutierrez, umalma sa pag-post ng kampo ni Jelai Andres sa social media

- Matapos ang paglaki ng isyu kaugnay sa patutsada ng kapatid ni Jelai Andres, bumwelta din si Jon Gutierrez

- Pasaring niya, buong pamilya umano ni Jelai ay tila gustong maging vlogger at influencer

- Sinabi din ni Jon na hindi umano lahat ng bagay ay dapat ibabahagi sa social media

- Kasalukuyan naman naka-off ang comment section ng Facebook account ni Jon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong umiinit ang usapin tungkol sa mag-asawang Jelai Andres at Jon Gutierrez. Ito ay matapos mag-viral ang mga pahayag ng kapatid ni Jelai na si Candy Andres.

Sinagot ni Jon ang patutsada ni Candy tungkol sa umano'y pagkakatuklas nila tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ni Jon sa ibang babae.

John Gutierrez, umalma sa pag-post ng kampo ni Jelai Andres sa social media
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Bwelta ni Jon, gusto lang maging vlogger at influencer ng buong pamilya nila. Binanggit din nito na hindi lahat ng bagay ay dapat i-post sa social media.

Bago pa ang sagot na ito ni Jon, diretsahang binanggit ng kapatid ni Jelai ang pangalan niya sa kanyang post kung saan inakusahan niya si Jon na nambababae.

Hindi naman sinagot ni Jon ang tungkol sa akusasyong ito. Kapansin-pansin din na naka-off ang comment section ng kanyang Facebook post.

Gamit ang account ni Jelai, sinagot siya ni Candy at pinaalala na siya lang ang kumausap sa kay Jon matapos ang paghihiwalay nila ni Jelai. Itinanggi din nito ang akusasyong gusto lang niyang sumikat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Read also

Mahal, todo-iyak sa prank ni Mygz Molino kung saan hindi siya nito pinansin

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinakiligan naman ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel