Mahal, todo-iyak sa prank ni Mygz Molino kung saan hindi siya nito pinansin

Mahal, todo-iyak sa prank ni Mygz Molino kung saan hindi siya nito pinansin

- Marami ang naantig sa pag-iyak ni Mahal Tesorero sa isang prank video ni Mygz Molino

- Sa nasabing prank ay hindi pinansin ni Mygz si Mahal sa loob ng 24 oras kahit pa kinukulit siya nito

- Kahit nasaktan ay pinilit ni Mahal na huwag ipahalatang naiiyak na siya sa hindi pagpansin sa kanya ni Mygz

- Gayunpaman, hindi nito kinaya ang pagpigil ng iyak at humagulgol siya kahit pa sinabi na ni Mygz na prank lamang iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa mahigit 1 milyon ang views ng video ni Mygz Molino kung saan napaiyak niya nang todo si Mahal dahil sa kanyang prank.

Hindi nito pinansin si Mahal sa loob ng 24 oras kahit pa kinukulit siya nito at kinakausap.

Mahal, todo-iyak sa prank ni Mygz Molino kung saan hindi siya nito pinansin
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Matapos mapansin ang pangbabale-wala sa kanya ni Mygz, hindi na niya maitagong matamlay siya. Gayunpaman, pilit nitong pigilan ang maiyak.

Hanggang sa hindi na napigilan ni Mahal ang sarili at naiyak ito nang todo. Dito na rin pinatahan siya ni Mygz at sinabing prank lang iyon.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang naantig sa pag-iyak ni Mahal. Ramdam na ramdam umano nilang nasaktan ng ito ng sobra.

Parang pinagtutusok ng karayom ang puso ko nang umiyak si mahal. Huwag na paiyakin si mahal ulit please. Love you guys
She's literally, deeply, emotionally hurt. I hope you took care of her after that streaking prank.
a lahat na ata ng ignore challenge na napanuod ko sa yt. Dito ako naawa at naiyak. Dahil isa si Mahal na masiyahing tao at mabait. Ramdam ko yung sakit na nadama nya na hindi sya pansinin. I love you Mahal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Jon Gutierrez, umalma sa pag-post ng kampo ni Jelai Andres sa social media

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel