Isang abogado, siniyasat ang nalabag na batas ni Ivana Alawi sa viral video nito

Isang abogado, siniyasat ang nalabag na batas ni Ivana Alawi sa viral video nito

- Ibinahagi ng isang abogado ang kanyang pananaw tungkol sa viral video ni Ivana Alawi

- Ito ay tungkol sa pagpapanggap nito bilang isang pulubi at kunwaring nanghingi ng limos

- Ang sinumang magbibigay sa kanya ay gagantimpalaan niya dahil sa mabuting ginawa umano ng mga ito

- Ayon naman kay Atty. Libayan ng YouTube channel na BatasNatin, may nilabag na batas si Ivana sa kanyang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaliwanag ni Atty. Libayan sa kanyang mga viewers ang nilabag na batas ni Ivana Alawi sa kanyang viral video kung saan nagpanggap siyang pulubi, nanghingi ng limos at nagbigay ng gantimpala sa mga taong nagbigay ng tulong sa kanya dahil nagpopromote ito ng pagbibigay ng limos.

Dalubhasa sa batas, siniyasat ang nalabag ni Ivana Alawi sa viral video nito
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

Ani Atty., ipinagbabawal sa batas ang pagbibigay ng limos sa ilalim ng Anti Mendicancy law. Sa kabila ng magandang hangarin ni Ivana na makatulong, pinopromote umano nito ang pagbibigay ng limos.

Dagdag pa ni Atty., hindi masamang tumulong ngunit dapat ay nasa tamang paraan at hindi lumabag sa batas.

Matapos niyang ipaliwanag ang tungkol sa nalabag na batas, marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon at hindi pagsang-ayon sa sinabi ng abogado.

Gayunpaman, katwiran ni Atty., hindi iyon tungkol sa nararamdaman lang ng tao kundi base iyon sa batas.

Sinagot niya rin ang pagkuwestiyon sa kanya ng ilang netizens kung bakit sa lahat ng vloggers na gumagawa nito ay si Ivana ang kanyang ginawan ng video.

Katwiran niya, bilang isang influencer na marami ang subscribers, marami umano ang maaring maimpluwensiyahan ni Ivana kaya napili niyang himayin ang viral video nito.

Si Atty. Libayan ay nagbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa batas sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na BATASnatin.

Read also

Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kanyang pagdiwang ng pagkakaroon ng 10 milyong subscribers, namahagi si Ivana ng biyaya sa mga nangangailangan.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang isang vlog niya kung saan naikwento niya ang tungkol sa paninigaw umano sa kanya ng isang TV host.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel