Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

- Isa sa pinakamainit na pinag-usapan sa online world kamakailan ay ang isyu tungkol sa magkasintahang nagkahiwalay

- Ito ay matapos isapubliko ng babae ang kanyang saloobin hinggil sa umano'y pagkakaroon ng relasyon ng kanyang nobyo sa kaibigan nito

- Ibinahagi din niya ang naging pag-uusap nila umano ng babae na ate pa ang tawag sa kanya

- Matapos mag-viral ang tungkol sa isyu nila, binalikan ng mga netizens ang kanilang engagement video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matindi ang naging epekto ng pag-viral ng isyu ng isang magkasintahan na engaged na sana ngunit nagkahiwalay kamakailan lang.

Ito ay matapos ibahagi ng babae ang kanyang saloobin hinggil sa umano'y relasyon ng kanyang kasintahan sa mismong kaibigan umano nito.

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu
Kathyrine Roman
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kathyrine Roman, kinilig dahil sa pagbuhos ng blessings sa kanya

Matapos mag-viral ang post ni Kathyrine Roman sa Facebook, sinagot ng kanyang dating kasintahan ang kanyang mga akusasyon at sinabing nagpasama lamang siya sa kaibigan niyang babae para magpa-change oil.

Kaya naman, binansagan change oil issue ang kwento nila.

Kinalaunan ay napagpasyahan ni Kathyrine na burahin na lamang ang kanyang post tungkol sa dating kasintahan.

Dahil sa dami ng kanyang natanggap na pagsuporta, gumawa din si Kathyrine ng sarili niyang YouTube channel. Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na balikan ang naging proposal at engagement ng dating magkasintahan na naganap pa sa ibang bansa. Agad din itong nag-viral.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dahil sa social media, mas madaling kumalat ang mga balita maging ang mga pangyayari sa kahit buhay ng mga simpleng tao. Marami sa mga pangangaliwa ang nabibisto dahil sa social media.

Read also

Isang abogado, siniyasat ang nalabag na batas ni Ivana Alawi sa viral video nito

Kabilang na ang isang video kung saan, nahuli umano ng isang babae ang kanyang mister na may ibang nakaangkas sa motor nito. Nag-viral din ang kwento ng isang misis na pumagitna sa problema ng asawa niya at ng kalaguyo nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel