Ivana Alawi, ikinuwento ang karanasan nang sigaw-sigawan siya ng isang TV host

Ivana Alawi, ikinuwento ang karanasan nang sigaw-sigawan siya ng isang TV host

- Sa isang panibagong video sa kanyang YouTube channel ay naitanong kay Ivana Alawi kung mayroon siyang nakaaway na artista

- Naikwento niya ang tungkol sa kanyang karanasan nang sigawan umano siya ng isang TV host ng ABS-CBN

- Dahil sa sobrang kahihiyan ay napaiyak na lang umano si Ivana at humingi ng dispensa sa batikang TV host

- Sa kabila ng nangyari sa kanya, wala na umanong sama ng loob si Ivana sa TV host na sa letter M nagsisimula ang pangalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panibagong video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel, naitanong kay Ivana Alawi kung mayroon siyang artistang nakaaway.

Dito naikwento ng aktres ang karanasan niya noong bahagi siya ng TV series na "Sino ang Maysala?: Mea Culpa".

Kwento niya, habang nag-aantay para sa isang guesting, lumabas ang kasama niyang PA dahil hindi na umano sila kasya sa dressing room kung saan naroroon ang ibang kasama pa ni Ivana.

Read also

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Ivana Alawi, ikinuwento ang karanasan nang sigaw-sigawanan siya ng isang TV host
Photo from Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpaalam umano ang kanyang PA sa isang tao sa labas kung pwede siya makiupo sa upuan sa tapat lang umano ng dressing room kung nasaan si Ivana.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang sinugod ng isang batikang TV host at pinagsisigawan dahil ang kanyang PA ay nasa dressing umano ng TV host.

Kwento pa ni Ivana, sobra siyang napahiya kaya naiyak na lamang siya habang humihingi ng dispensa sa batikang TV host.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Lagi niya umano pinapanood ang TV host kahit noong bata pa siya kaya idol niya daw yun. Napilitan din siyang sabihin ang initial letter ng ng pangalan ng kanyang tinutukoy na TV host.

Nilinaw niyang wala na siyang sama ng loob sa TV host na ito na letter M ang umpisa ng pangalan.

Read also

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Sa kanyang pagdiwang ng pagkakaroon ng 10 milyong subscribers, namahagi si Ivana ng biyaya sa mga nangangailangan.

Isa din siya sa mga YouTube content creators na aktibong namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at pagbaha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel