DJ Jhai Ho, nagsalita tungkol kay Magui Ford; may nilinaw sa gitna ng intriga

DJ Jhai Ho, nagsalita tungkol kay Magui Ford; may nilinaw sa gitna ng intriga

  • Nagsalita na ang TV at radio personality na si DJ Jhai Ho upang pabulaanan ang kumakalat na isyu na idinidikit sa nakababatang kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Ford
  • Sa episode ng entertainment talk show na “Alam Na Dis” sa DZMM Teleradyo noong Lunes, Nobyembre 23, iginiit ng host na walang katotohanan ang mga espekulasyong lumalabas sa Reddit tungkol kay Magui
  • Nag-ugat ang mga usap-usapan matapos umanong i-unfollow nina Magui at Robbie Jaworski ang isa’t isa sa Instagram, at idinawit pa ang pangalan ni Jacob Ang habang nasa loob ng Bahay ni Kuya si Robbie
  • Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag sina Magui Ford at Robbie Jaworski kaugnay ng estado ng kanilang relasyon at ng mga kumakalat na isyu online

Pinabulaanan ng TV at radio personality na si DJ Jhai Ho ang kumakalat na isyu na idinidikit ngayon kay Magui Ford, ang nakababatang kapatid ng Kapamilya star na si Daniel Padilla.

Read also

Andi Eigenmann, nagkuwento tungkol sa bagong pinagkakaabalahan nina Lilo at Koa

DJ Jhai Ho, nagsalita tungkol kay Magui Ford; may nilinaw sa gitna ng intriga
DJ Jhai Ho, nagsalita tungkol kay Magui Ford; may nilinaw sa gitna ng intriga (📷Jhai Ho/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang episode ng entertainment talk show na “Alam Na Dis” sa DZMM Teleradyo noong Lunes, Nobyembre 23, direktang sinagot ni DJ Jhai Ho ang mga espekulasyong umiikot sa social media, partikular na sa Reddit. Pinag-uusapan kasi ng ilang netizen ang isang isyu na nag-uugnay kay Magui sa ibang tao habang nasa loob ng Bahay ni Kuya ang kanyang kasintahang si Robbie Jaworski.

Agad na dumepensa si DJ Jhai Ho at iginiit na kilala niya ang tunay na pagkatao ni Magui mula pa noong bata ito.

“Unang-una sa lahat , sa pagkakakilala ko kay Magui habang sila ay lumalaki ni Lella Ford...hindi po gano'n si Magui sa mga lumalabas sa Reddit,” pahayag ng host.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag din niya ang pinagmulan ng isyu kung saan may nadamay pang ibang personalidad na mula sa isang kilalang pamilya.

“Kasi parang ang issue ngayon,” pagpapatuloy ni DJ Jhai Ho, “sinasabi na diumano raw spotted or nakitang magkasama sila na may idinadawit din na ibang pangalan na nagmula rin sa isang malaking pamilya.”

Read also

Ruffa Gutierrez, nagbigay-linaw sa relasyon nina Sarah Lahbati at Annabelle Rama

Matatandaang lalong uminit ang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Magui at Robbie matapos mapansin ng mga netizen na nag-unfollow na umano sila sa kani-kanilang Instagram account. Dahil dito, lumutang ang mga haka-haka matapos umanong maispatan si Magui na kasama si Jacob Ang, anak ng negosyanteng si Ramon Ang.

“Ang espekulasyon ng breakup ay diumano raw ay nakita or may something daw si Magui and 'yong anak ng may-ari ng [San Miguel Corporation], si Jacob Ang," dugtong pa ni DJ Jhai Ho.

Sa kabila ng mga kumakalat na kuwento, binigyang-diin ng TV at radio personality na walang katotohanan ang naturang isyu. Hanggang sa ngayon, nananatiling tahimik sina Magui at Robbie at wala pang inilalabas na pahayag tungkol sa usapin.

Si DJ Jhai Ho ay kilalang entertainment host, aktor, at radio personality na matagal nang malapit sa pamilya nina Karla Estrada at Daniel Padilla, kaya naman madalas siyang nakakakuha ng atensyon tuwing nagbibigay ng paglilinaw ukol sa mga isyung kinasasangkutan ng mga malalapit sa kanya sa showbiz.

Bukod sa kanyang pagtatanggol kay Magui Ford, ilang beses na ring naging usap-usapan si DJ Jhai Ho kamakailan dahil sa kanyang mga naging interaksyon at komento sa iba’t ibang paksa online.

Sa isang ulat ng KAMI, naging agaw-pansin ang nakakatuwang tagpo nang harap-harapang biruin ng aktres na si Ashley Ortega si DJ Jhai Ho tungkol sa kauna-unahang blind item na isinulat nito tungkol sa kanya. Ipinakita ng dalawa ang kanilang magandang samahan sa kabila ng mga nakaraang intriga sa showbiz. Umani ito ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen na naaliw sa kanilang kuwentuhan.

Read also

Vice Ganda, may nakatutuwang hirit para kay Cianne Dominguez habang nasa PBB

Samantala, sa isa pang artikulo, nagbahagi rin ng kanilang reaksyon sina DJ Jhai Ho at Ashley Rivera tungkol sa viral na usapin ng isang lalaking hindi umano nagpapaupo sa loob ng tren. Nagbigay ng kani-kanilang pananaw ang dalawang personalidad ukol sa tamang asal at respeto sa mga pampublikong sasakyan. Naging daan ito upang muling pag-usapan ng publiko ang etiquette ng mga komyuter.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate