Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID-19

Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID-19

- Dahil marami na rin ang nagtatanong kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion at Beks Friends nitong nakaraang mga araw, minabuti nilang linawin na ang pangyayari

- Sa isang video kung saan magkasama si Chad Kinis at Tonton ng Beks Friends, ibinahagi nilang ilan sa kanila ay nag-positibo sa COVID

- Una umanong tinamaan si Tonton sa kanilang lahat na hindi nila kaagad nalaman dahil wala itong naranasang matinding sintomas

- Sa kasalukuyan, magkakahiwalay muna sila habang nagpapagaling matapos magpositibo rin sina Chad Kinis at MC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasyahan ng Beks Battalion at Beks Friends na ibahagi sa publiko ang dahilan kung bakit wala silang mga bagong vlog sa kasalukuyan.

Ito ay matapos lumabas ang mg espikulasyong nag-away-away sila kaya hindi na sila magkakasama sa Beks Batallion house.

Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID
Chad Kinis (chadkinis)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto

Nilinaw ni Chad na totoong hindi sila ngayon magkakasama sa kanilang bahay dahil kinailangan nilang mag-isolate matapos mapag-alamang ilan sa kanila ay dinapuan ng COVID-19.

Unang natuklasan ang tungkol sa outbreak nang magpositibo si Chad sa swab test dahil kinailangan niya ito para makapag-taping.

Dahil dito ay nagpa-test na silang lahat. Noong una ay wala pang nagpositibo ngunit lumabas na nakapagdevelop ng anti-bodies si Tonton kaya nila nalamang nagkaroon pala siya ng virus.

Hindi nila iyon inasahan dahil hindi umano umabot ng isang araw ang lagnat nito at gumaling na siya kaagad.

Sumunod na nagpositibo si MC kaya maging hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa sila magkakasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Beks Battalion ay binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC. Kabilang sila sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

Read also

Isang abogado, siniyasat ang nalabag na batas ni Ivana Alawi sa viral video nito

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga pinag-uusapang video na naggawa ng Beks Battalion ay ang kanilang house raid sa House of Tandem nina Super Tekla at Donita Nose.

Marami din ang naaliw nang ma-prank sila ni Ethel Booba sa isang Fake Swab Test.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel