Beks Battalion, ibinahagi ang nakakaaliw na house raid nila sa House of Tandem

Beks Battalion, ibinahagi ang nakakaaliw na house raid nila sa House of Tandem

- Matapos makapaglipat sa bahay na kanilang inuupahan na tinawag nilang House of Tandem, sinugod sina Super Tekla at Donita Nose ng kanilang mga kaibigan

- Isang house raid ang ginawa ng Beks Battalion na binubuo ng magkakaibigang sina Chad Kinis, Lassy at MC

- Bukod sa nakakaaliw na sagutan at kulitan, marami ang naintriga sa mga gamit na panlalaki na nakita nila sa silid ni Donita

- Gayunpaman, pinaliwanag ni Donita ang dahilan kung bakit naroroon sa kanyang silid ang mga gamit na panlalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Punong-puno ng katatawan at kinaaliwan ang vlog ng Beks Battalion na kung saan sumugod sila sa House of Tandem para mag-house raid.

Ang House of Tandem ang bahay kung saan parehas na nakatira sina Super Tekla at Donita Nose para mas mapadali ang kanilang paggawa ng mga videos para sa kanilang YouTube channel.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

Beks Batallion Beks Batallion Beks Batallion Beks Batallion
DonEkla
Source: Facebook

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

Kabilang ang Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa sa ikina-intriga ng mga netizens sa naganap na house raid ay ang mga gamit na panlalaki na nakita sa silid ni Donita.

Todo paliwanag si Donita tungkol sa mga ito kahit pa tila pilit na ibinubuking ng mga kaibigan kung sino talaga ang may-ari ng mga gamit na nakita doon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon ng kanilang viewers:

Hahaha more collaboration with DonEkla in tandem po. God bless and more blessings to come. Stay healthy all of you.
Tawang tawa talaga ko sa eksena ng binigyan ng grocery si Chad si Donita, pati na yung raid sa kwarto ni Donita. More of this! God bless guys.
Nakakatuwa si MC parang older sister talaga. May dala pang sling bag na merch din naman nila. Gusto ko itong collab na ito. Kasi parehong mabait sina Tekla at Donita.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel