Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

- Ipinakita ni Sam Pinto ang kanilang bagong condo ng asawang si Anthony Semerad

- Ibinahagi niyang nailipat ang kanilang mga gamit doon sa bagong condo habang siya ay nasa Australia kung saan siya namalagi ng ilang buwan

- Si Anthony din mismo ang nagpintura sa loob ng kanilang condo para maging mas maaliwalas ito

- Matatandaang ikinasal kamakailan sina Sam at Anthony kasama ang kanilang malapit na kaibigan at pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube channel na matagal ding hindi na-update ni Sam Pinto, ibinahagi niya ang isang virtual tour sa kanilang condo kung saan sila nakatira ng asawang si Anthony Semerad.

Ibinahagi niyang si Anthony lang din ang nagpintura ng kabuuan ng loob ng kanilang condo.

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad
Photo from Sam Pinto Semerad (@sampinto_)
Source: Instagram

Pagbabahagi ni Sam, nasa Australia pa siya nang kailangan na nilang maglipat sa bagong condo kaya sa tulong na kanyang personal assistant at driver ay naipahatid niya ang mga gamit mula sa dating tinitirhan nila.

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sam umano ang nag design ng kanilang bahay dahil hilig niya ito. Kabilang sa kanyang pinakita sa kanyang virtual tour ay ang kanilang foyer, living room, kitchern, master bedroom, gym at ang kanilang bathroom.

Marami sa mga nakapanood sa kanyang condo tour ang nakapansin sa maaliwalas na pagkakayos ng kanilang tirahan:

Wow very nice clean maaliwalas condo. I like the combination of your furnitures and things to your white color wall. Suggest ko lng don't forget to buy a cat bed and wood to scratch on so that your bed covers and sofa won't be destroyed by your cat. By the way nag blends din ang color ng cat sa house mo.
Wows! Ganito rin talaga goal ko for our interior! So glad, nagkaroon ako lalo ng ideas because of you!

Read also

Toni Fowler, ipinagtanggol ang napapabalitang bagong girlfriend ni Rob Moya

Nice enterior design are cool and colors things are organized too. Hi po Miss Sam ang ganda po ng Condo niyo I love it po.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sam Pinto ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Double Up. Taong 2011 at 2012 nang nanguna siya sa FHM Philippines'list.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang kamakailan ay ikinasal sina Sam at Anthony sa isang civil ceremony kasama ang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Nauna nang ibinahagi ng aktres na dalawang beses ang magiging kasal nila. Matapos ang kanilang civil wedding ay ikakasal pa silang muli para naman makadalo ang iba pa nilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel