Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto

Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto

- Ibinahagi ni Gerald Anderson ang maikling video kung saan makikita si Julia Barretto na nagluluto ng samgyupsal

- Marami sa mga #JuRald fans ang kinilig kung paano pinagmamalaki ni Gerald ang nobya

- Matatandaang kamakailan lang isinapubliko n dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon

- Simula nang inamin nila ang tungkol sa kanila, naging mas bukas na sila sa publiko tungkol sa kanilang pagmamahalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maiksing video ni Julia Barretto ang ibinahagi ni Gerald Anderson sa Instagram Stories niya. Makikita sa nasabing video na nagluluto si Julia ng Samgyupsal.

Maiksi lang ang nasabing video ngunit kinakiligan ito ng fans ng dalawa dail kitang-kita umano kung gaano ipinagmamalaki ni Gerlad ang nobya.

Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto
Photo from Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alex Gonzaga, muling kinaaliwan dahil sa panibagong TikTok video na ibinahagi

Walang ibang detalyeng ibinahagi si Gerald sa nasabing video ngunit base sa makikitang safety guidelines na makikita sa bandang likuran ni Julia, nasa “The Th3rd Floor” gym sila na pagmamay-ari din ng aktor na matatagpuan sa Quezon City.

Matatandaang halos dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang aminin ni Gerald ang tungkol sa kanila ni Julia sa pamamagitan ng panayam ni BOy Abunda sa kanya.

Sa nasabing panayam mariing pinabulaanan ni Gerald ang akusasyong nang-ghost siya sa dating karelasyong si Bea Alonzo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, at Vince and Kath and James.

Read also

"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa nakaraang video na kanyang ibinahagi, pinasilip ni Julia ang kanyang koleksiyon ng mga designer bags. Ibinahagi niya rin sa kanyang subscribers ang kanyang walk-in closet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel