"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda

"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda

- Kinaaliwan ang panibagong video ni Vice Ganda na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel

- Halos lahat ng kanyang mga co-hosts ay di mapigilang maging emosyonal sa mensahe ni Vice para sa kanila habang may dala-dalang lobo, cake at bulaklak

- Gayunpaman, napapawi ang kanilang emosyon sa tuwing sasabihin ni Vice na hindi para sa kanila ang mga dala-dala niyang regalo

- Paglilinaw niya, prank lang yung mga regalo ngunit totoo at sincere siya sa kanyang sinabi tungkol sa kanyang pag-appreciate sa mga kasamahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Punong-puno ng samu't-saring emosyon ang video na ibinahagi ni Vice Ganda kung saan biniktima niya ng prank ang mga kasamahan sa "It's Showtime".

Bitbit ang mga lobo, bulaklak at cake, nagkunwari si Vice na dalhin ito sa mga kasamahan at magbabahagi ng kanyang mensahe tungkol sa kung paano niya na-aapreciate ang mga kasamahan niyang nanatili sa kabila ng kanilang pinagdaanang hirap nitong nakaraang taon.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda
Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagkatapos ay saka niya sasabihing magpapasama siya papunta sa ibang co-host nila para dalhin ang mga regalong bitbit niya.

Karamihan sa kanila ay hindi napigilang maging emosyonal. Kabilang sina Tiyang Amy, Kim Chiu, Vhong Navarro, Ryan Bang at Teddy Corpuz sa di napigilang maluha.

Paglilinaw naman ni Vice, totoo at mula sa kanyang puso ang mga mensaheng binitawan niya sa lahat ng kasamahan at ang prank lamang doon ay ang sa regalo.

Binigyan sila ni Vice ng cake nang sumunod na araw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concerts.

Read also

Toni Fowler, ipapamigay ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pakikipag-usap ni Vice Ganda sa isang Tawag ng Tanghalan contestant na aminadong sumang-ayon noon sa pag-shutdown ng Kapamilya Network.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel