Vice Ganda, pinasilip ang kanyang pang-Hollywood na mga sapatos

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang pang-Hollywood na mga sapatos

- Ipinasilip ni Vice Ganda ang ilan sa mga pinakapaborito niyang sapatos na nasa kanyang koleksiyon

- Ito umano ang mga sapatos na kanyang binili nang makita na suot ng ilan sa pinakasikat na mga Hollywood celebrities

- Aniya, deserve niyang bumili ng mga bagay na gusto niya dahil pinagpaguran niya ang perang pinambili niya ng mga iyon

- Marami sa mga nakapanuod na mga netizens ang humanga at na-inspire sa TV host dahil sa kanyang naipundar mula sa kanyang pagtatrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para pagbigyan ang mga hiling ng kanyang subscribers at followers, ipinakita ni Vice Ganda ang ilan sa mga pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang koleksiyon na kanyang binili dahil nakita niya sa mga Hollywood celebrities.

Ayon pa sa kanya, kapag nakakakita siya ng mga damit o sapatos na suot ng mga Hollywood celebrities at nagustuhan niya, pinag-iipunan niya umano ito at kahit mahal ay pikit mata niyang binibili.

Read also

Janno Gibbs, sinabing pinahiya siya ni Kitkat Favia sa harap ng maraming tao

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang pang-Hollywood na mga sapatos
Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Vice, naniniwala siyang deserve niya namang mabili ang mga iyon kahit may kamahalan dahil pinagpaguran at pinagtrabahuhan niya ang perang pinambili niya ng mga iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ilan naman sa mga netizens ang napatingin sa Google para umano makita ang tunay na presyo ng mga ipinakitang sapatos ni Vice dahil hindi na niya binanggit kung magkano niya nabili ang mga sapatos.

So ayon nag extra effort akung e google lahat ng boots and found out na mag-aaral talaga ako ng mabuti.
Ako lang ba yung chini'check and prices ng shoes sa Google habang nanonood? Grabe ang mamahal pala talaga!
Habang nirarampa nya kinakalkula ko ang presyo. Iba naman kasi talaga yung nakikita mo pinaguran mo.Na inspire mo na namn ako Meme to work hard & make ipon2x. I love you Meme

Read also

TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concerts.

Kilala si Vice sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina. Kamakailan ay binigyan niya ng mamahaling relo ang kanyang Nanay Rosario.

Naging emosyonal din si Nanay Rosario sa inihandang sorpresa ng anak para sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel