Toni Fowler, isasama sa pa-give away ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

Toni Fowler, isasama sa pa-give away ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

- Umabot na sa mahigit limang milyon ang subscribers ni Toni Fowler sa kanyang YouTube channel

- Kaya naman, bilang pasasalamat ay marami siyang ipapamigay na give-away sa mga follwers niya

- Kabilang na dito ang isang singsing na engagement ring galing sa kanyang ex na si Rob Moya

- Binawi umano ito ng kanyang inay na siyang tumulong na mabili ang singsing matapos makitang suot-suot ng ibang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng masalimuot na problemang pinagdaanan ni Toni Fowler, malaki pa rin ang pasasalamat niya na marami ang patuloy na sumusuporta sa kanya.

Sa katunayan, umabot na sa mahigit limang milyon ang naka-subscribe sa kanyang YouTube channel. Kaya naman, para mapasalamatan ang kanyang mga tagasuporta, marami ang kanyang mga ipapamigay na give-aways mula sa mga produktong kanyang iniindorso at merong galing mismo sa kanya.

Read also

Moira Dela Torre, ibinahaging nahirapan siyang patawarin ang magulang

Toni Fowler, isasama sa pa-give away ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya
Photo from Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa kanyang ipapamigay ay ang singsing na ibinigay sa kanya ni Rob Moya bilang engagement ring sana nang mag-propose ito sa kanya.

Kaya lang, nagkahiwalay sila. Kwento pa ni Toni, humingi ng tulong ang kanyang ex sa inay niya para sa singsing na iyon.

Nang magkahiwalay sila, nakita umano ang nasabing singsing na suot-suot ng ibang babae at agad-agad binawi ng kanyang inay iyon dahil para lang sana iyon umano sa daliri ni Toni.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami pa ang kanyang mga give-aways para sa kanyang mga followers at subscribers. Bukod sa mga tablet ay may i-phone din siyang ibibigay na galing umano mismo sa kanya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Nancy Castiglione, umalma sa lumabas na isang article tungkol sa kanya

Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Kilala sila sa tawag na Toro Family. Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel