Moira Dela Torre, ibinahaging nahirapan siyang patawarin ang magulang

Moira Dela Torre, ibinahaging nahirapan siyang patawarin ang magulang

- Naibahagi ni Moira Dela Torre ang kwento ng kanyang buhay simula nang siya ay bata pa

- Dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, naramdaman ni Moira na parang hindi siya naging sapat at sinisi niya ang sarili

- Dumaan siya sa depresyon noong kabataan niya ngunit malaki ang kanyang pasasalamat na maraming tao ang tumulong sa kanya

- Nahirapan umano siyang patawarin ang kanyang mga magulang maging ang kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam sa online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks, ibinahagi ni Moira Dela Torre ang kanyang naging struggle dahil sa pinagdaanang depression.

Nagsimula umano ito nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya at naisip niya sa kanyang sarili na kasalanan niya ang lahat.

Moira Dela Torre, ibinahaging nahirapan siyang patawarin ang magulang
Moira Dela Torre (@moiradelatorre)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Maging ang mga rejection na naranasan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kanya kagaya nang hindi siya manalo sa isang singing contest na kanyang sinalihan.

Ibinahagi niya ring nahirapan siyang patawarin ang kanyang sarili at maging ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, kabilang si Sam Milby sa mga taong tumulong sa kanya na makabangon at malampasan ang kanyang pinagdaanan.

Pinatira pa ito noon ni Sam sa kanyang condo noong nagsisimula palang siyang subukang sa pagkanta.

Nais niya umanong makapagbahagi ng pag-asa sa pamamagitan ng kanyang musika. Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang awiting Paubaya at maging ang music video nito ay humakot ng milyon-milyong views sa Youtube.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Moira dela Torre ay isang kilalang singer songwriter sa bansa na nagpasikat ng mga awiting "Malaya", "Tagpuan", at "Ikaw at Ako." Ang awiting Titibo-tibo ay unang nagpasikat sa kanya matapos itong manalo sa Himig Handog 2017.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay lumikha din ng ingay ang kanyang awiting Paubaya matapos itong umani ng samu't-saring reaksiyon.

Kinanta niya rin ang awiting Reflection para sa pelikulang Mulan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel