Magnanakaw sa Pasay, ipinangtulong sa may sakit ang nakuhang pera at isinauli ang natira

Magnanakaw sa Pasay, ipinangtulong sa may sakit ang nakuhang pera at isinauli ang natira

- Nadakip ang isang magnanakaw sa Pasay City na nanlimas sa pera ng isang tindahan

- Sa tulong ng CCTV footage, agad na nahuli ang suspek na kilala sa kanilang lugar

- Naisauli ng suspek ang natirang pera na nakuha subalit nagamit na umano niya ang iba nito

- Sinabi niyang ipinangtulong niya sa kumare niya na ang anak ay may sakit at ang iba ay inamin niyang pinambili ng droga

- Matinding kagipitan sa pera ang nagtulak umano sa kanya para magnakaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nahuli ang magnanakaw sa F. Cruz Street, Barangay 171 sa Pasay sa tulong ng CCTV footage ng aktwal na pagpuntirya nito sa isang tindahan.

Nalaman ng KAMI na ang suspek ay si Danny Aguinaldo na nilimas at kinuha ang lahat ng laman ng kaha ng tindahan na nagkakahalaga ng Php14,000.

Read also

Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment

Sa ulat ni Mai Bermudez ng GMA News, sinabing matinding pangangailangan ang nag-udyok sa kanya para magnakaw.

Ayon sa suspek, suma-sideline lamang siya bilang pedicab driver at minsan din naman ay sa pagiging construction worker.

Magnanakaw sa Pasay, ipinangtulong sa may sakit ang nakuhang pera at isinauli ang natira
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Naglakas-loob naman umanong humingi ng patawad ang suspek sa may-ari ng tindahan na kanyang napagnakawan.

Katunayan, nausauli pa niya ang Php4,600 mula sa perang nakuha niya. Subalit nilinaw nito na nagamit na niya ang kakulangan sa naisauling pera.

Tinulungan daw niya ang kanyang kumare na isinugod sa ospital ang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit inamin din nito na ang halagang Php1,000 ay ipinambili umano niya ng iligal na droga.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga may-ari ng mga tindahan o negosyo na huwag paka-kampante sa tinataguan nila ng mahahalaga nilang kagamitan at siguraduhin nasa pinakaligtas na lagayan ang mga ito.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

Mahaharap sa kasong robbery ang suspek na nasa kamay na ng pulisya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, isa sa mga naging biktima ng nakawan kamakailan ay ang vlogger na si Basel Manadil.

Ibinahagi niya ang detalye ng pagnanakaw na nagawa sa isang branch ng kanyang YOLO Retro Diner.

Sa tulong din ng mga CCTV footage, nakilala ang suspek ng mga netizens na taga-roon sa kanilang lugar at agad nila itong napagbigay-alam sa kinauukulan upang madakip at mabigyan ito ng leksyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: