Raffy Tulfo, nakapagbitaw ng maanghang na salita kay DOH Sec. Francisco Duque

Raffy Tulfo, nakapagbitaw ng maanghang na salita kay DOH Sec. Francisco Duque

- Hindi na napigilan ni Raffy Tulfo na magbitaw ng mga maanghang na salita sa pagtawag niya ng atensyon kay DOH secretary Francisco Duque

- Nararapat lamang daw na intindihin nang mabuti ni Duque ang pamamahagi ng bakuna sa mga Pilipino

- Nakababahala na umano na ang ibang mga bansa na mas mahihirap pa sa Pilipinas ay mabilis nang nakapapamahagi na bakuna sa kanilang mga mamamayan

- Sa huli, humingi naman ng tawad si Tulfo sa mga nasabi at inaming dala lamang ito ng "frustration" niya sa laban ng bansa kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maanghang na mga salita ang nabitawan ni Raffy Tulfo patungkol kay Department of Health secretary Francisco Duque.

Nalaman ng KAMI na sa isang segment ng Raffy Tulfo in Action na may pamagat na "Idol Raffy, may mensahe kay DOH Sec. Francisco Duque," tahasan nitong tinawag ang atensyon ng namumuno sa Kagawaran ng Kalusugan.

Read also

PWD na delivery rider, umani ng papuri mula sa mga netizens

"Hoy Duque! tama na ang satsat-satsat mo, pa-good shot, good shot ka pa, gusto pa atang tumakbo ng pagka-senador nito e, unahin mo 'yung bakuna!"
Raffy Tulfo, nakapagbitaw ng maanghang na salita kay DOH Sec. Francisco Duque
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Naibahagi rin ni Tulfo ang isang impormasyon kung saan boluntaryo na sanang kukuha ang mga pribadong kompanya ng bakuna subalit kinakailangan pa raw nitong dumaan sa DOH.

Panawagan din niya kay Duque na payagan na umanong kumuha ang mga kompanyang ito ng kani-kanilang vaccine nang sa gayon ay maibigay na sa kanilang empleyado at makapagtrabaho na ang mga ito ng maayos.

"Bakit ayaw niyo, bakit kinakailangan pang dumaan sa DOH? Para ano, para sa tong-pats?"
"Payagan na ang mga private sector na mag-angkat ng bakuna para mabakunahan na ang mga empleyado nila, para nang sa gayon, itong mga empleyado, makapagtrabaho na hindi 'yung maya't maya magla-lockdown tayo"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Ngunit kalaunan ay kumalma na rin si Tulfo na ang tanging hiling lamang ay mapabilis na ang pag-angkat ng bakuna kontra COVID-19 sa ating bansa.

Nakakahiya na raw kasi na may mga bansa na maituturing na mas mahirap pa sa Pilipinas ay mabilis nang nakakakuha ng bakuna at naipamamahagi na sa kanilang mga mamamayan.

"Hindi ka ba niyan nahihiya Duque, puro donation lang tayo? Palagi na lang tayong umaasa sa China?"

Bago matapos ang naturang segment, humingi rin ng tawad at paumanhin si Tulfo sa mga nasabi niya kay Duque.

"I'm sorry secretary Duque, kung ako po ay nakapagsalita, I think this is just out of my frustration."

Narito ang kabuuan ng segment mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, isa sa mga natulungan ni Tulfo ang batang mayroong stage 3 na cancer na sa kasamaang palad ay tinamaan pa ng COVID-19.

Gumaling naman ang bata sa COVID, subalit naging stage 4 naman ang cancer nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica