PWD na delivery rider, umani ng papuri mula sa mga netizens
- Hinangaan ng marami ang isang delivery rider ng Food Panda na nagawa pa ring magtrabaho kahit naka-saklay na ito
- Mapapansin sa viral TikTok video na putol ang kaliwang binti ng rider ngunit patuloy pa rin ito sa paghahanapbuhay
- Humanga rin mismo ang uploader ng video at sinabing wala talagang makapipigil sa rider kahit pa mayroon itong kapansanan
- Umabot na sa 76,000 ang mga "nag-heart" reaction sa video na kapupulutan naman talaga ng inspirasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang TikTok video ni "Miss YoniVerse" tungkol sa isang delivery rider na person with disability.
Nalaman ng KAMI na putol pala ang kaliwang binti ng rider na ito ng Food Panda ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang paghahanapbuhay.
Makikita sa video na may saklay pa ito sa kanyang likuran nang bumaba ito sa motoksiklo para i-abot ang kanyang delivery na mula sa Jollibee.
Kahanga-hanga ang sipag ng rider na kahit hindi aminin na mahirap ang kanyang kalagayan ay nangingibabaw naman ang kanyang pagsisikap.
"Nothing is impossible. #disabilitywontstophim #kudos #foodpandaph #fyp", ang caption ng TikTok video na mayroon nang 76,000 na positive reactions.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na talagang na-inspire sa kasipagan at dedikasyon sa trabaho ng delivery rider.
"Nakakabilib ang mga ganitong klaseng tao, ito dapat ang tinutulungan!"
"Kung mag-deliver siya sa amin, triple ang tip na ibibigay ko sa kanya"
"Habang ang iba ang daming kuda at reklamo sa buhay, si kuya, pursigidong magtrabaho!"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Samantala, marami rin naman ang nagpasalamat sa Food Panda sa pagbibigay ng hanapbuhay sa rider sa kabila ng kanyang kapansanan.
"Kudos to Food Panda, hindi sila nagdalawang isip na tanggapin pa rin si kuya kahit PWD"
"Very good Food Panda, salamat sa pagbibigay ng trabaho kay kuya!"
"Salamat Food Panda at binigyan niyo ng chance ang rider niyo na kahit may kapansanan ay makakapagtrabaho pa rin"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sadyang kahanga-hanga ang mga sakripisyo ng delivery riders lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Bukod dito, may ilan pa sa kanila na working student at nagagawang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.
Katunayan, kamakailan ay nag-viral din ang isang delivery rider na nagawang maigapang ang pag-aaral kasabay ng trabaho hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo at maging isang ganap na pulis.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh