Grab rider na sinisingit ang pag-aaral sa gitna ng trabaho, umantig sa mga netizens

Grab rider na sinisingit ang pag-aaral sa gitna ng trabaho, umantig sa mga netizens

- Naging viral sa social media ang isang food delivery rider na nasingit pa ang pag-aaral sa trabaho niya

- Kwento ng isang netizen, habang naghihintay ng booking ay nag-aaral ang delivery rider

- Tinatapos umano ng rider na si Marvin ang kurso niyang political science habang naghahanapbuhay

- Nagsilbing inspirasyon naman sa mga netizens ang pagiging determinado sa buhay ng delivery rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang isang food delivery rider na nagpapakahirap sa trabaho at sa pag-aaral.

Nalaman ng KAMI na pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang determinasyon ng rider sa buhay.

Grab rider na sinisingit ang pag-aaral sa gitna ng trabaho, umantig sa mga netizens

Photo from Pxhere
Source: UGC

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Lester Margallo, isa rin daw siyang rider at nakakasabay niya si Marvin minsan. Habang naghihintay daw ng booking, nasi-singit pa rin ni Marvin ang pag-aaral.

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

“Sipag naman ng ka-rider namin ...nag aaral habang nag.aantay nag booking ..tiis lng makakatapos ka din ..kaibigan,” sabi ng netizen.

Sa Facebook post naman ng GMA News, sinabi ni Lester na political science ang kursong kinuha ni Marvin. Lagi rin daw nasi-singit nito ang kanyang pag-aaral sa gitna ng delivery niya.

Maraming mga netizens ang natuwa sa pagsusumikap ni Marvin sa buhay. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook page ng GMA News:

“Walang salitang pagod, hirap at puro dahilan sa taong may determinasyon!!!!God bless you kuya. keep it up.”
“Hindi biro ang Polsci Bro, saludo ako sayo, ako mostly full time nag aaral ng kursong yan hirap na hirap ano ka nalang, kaya sobrang respeto ko sayo pagpalain ka!”
“Relate me .... Pareho po Tayo ... Pag patuloy nyo Lang po,, we will survive .. ginamit po Ito ni God upang Tayo poy mag patuloy sa pangarap Natin po kahit na Tayo poy working student ... May Godbless you po ... Proud of you po.”
Sobrang cute! 2 bata na nagpa-picture sa meter reader, kinagiliwan ng mga netizens
“Im so proud of you kuya ingat k parati ipagpatuloy mo lang yn”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa gitna ng pandemya, kanya-kanyang diskarte ang mga Pinoy sa pagkita ng pera at sa pagdalo ng mga online class.

Isang Grab rider ang pansamantalang tumabi sa gilid ng kalsada upang dumalo sa kanyang online class gamit ang cellphone niya.

Samantala, naging viral naman sa social media ang litrato ng isang estudyante na naiyak dahil sa kanyang online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel