Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

- Isang Mexican scientist ang nakaisip na gumawa ng tinatawag na ngayong "nasal mask"

- Ito ay mainam na gamitin bilang proteksyon sa COVID-19 kung nais kumain o uminom

- Nakitang maari pa rin itong proteksyon laban sa virus lalo na at madalas na ring lumabas ang mga tao sa kabila ng banta pa rin ng COVID-19

- Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens na nakakita ng mga larawan ng gumagamit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang nasal mask ng isang Mexican scientist na umano'y nakaisip ng konseptong ito.

Nalaman ng KAMI na si Gustavo Acosta Altamirano ang nasa likod ng sinasabing isa pang mainam na proteksyon kontra COVID-19.

Makalipas ang isang taon, marami nang mga tao sa buong mundo maging sa Pilipinas ang tila balik sa dati ang pamumuhay kung saan kinakailangan na nilang lumabas lalo na para maghanapbuhay.

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko
Photo from Pixabay
Source: UGC

Gamit ang nasal mask, mayroon ka parin daw na proteksyon sa COVID-19 kahit na ikaw ay kumakain o umiinom lalo na kung ikaw ay nasa pampublikong lugar.

Sa larawang kuha ni Carlos Jasso ng Reuters na ibinahagi rin ng GMA News TV, makikita kung paano gamitin ang nasal mask.

Ilong lamang ang natatakpan nito habang malaya kanyang makakakain o makakinom.

Sa kabila ng kakaibang inobasyong ito, may ilang mga netizens na nagpahayag ng iba't ibang reaksyon ukol dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Siguro mas maganda kung pati yung eyes kasama na rin sa prinotektahan"
"Half face shield would be safer I guess"
"Nice try, but then eyes are exposed as well as your mouth"
"Sa Pilipinas, mas ok pa rin ang face shield at face mask na proteksyon. At huwag na muna sumama sa marami kung kailangang kumain sa labas"

Read also

Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment

"Unique concept but I think it's still risky."

Narito ang video na binahagi ni Charity Villegas kung paano gamitin ang "nasal mask"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Pilipinas, kasalukuyang nasa strict general community quarantine ang ilang Metro Manila at ilang karatig na lugar nito kabilang na ang Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Tinatawag itong "NCR Plus bubble" kung saan hindi maaring lumabas o pumasok sa mga nasabing lugar hanggang Abril 4.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ito ang isa sa nakitang paraan ng IATF upang maibsan ang nakababahalang pagtaas ng bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw.

Katunayan, naitala kahapon Marso 25 ang pinakamataas ng kumpirmadong kaso sa isang araw na umabot sa 8,773.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica