OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

- Umiiyak na humihingi ng tulong ang isang OFW sa Kuwait na umano'y pinagmamalupitan ng kanyang amo

- Ang kanyang nasa Pilipinas ang lumapit na kay Raffy Tulfo para mas mapabilis ang pagsagip sa OFW

- Makikita ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan sa tindi ng sinapit niya sa kamay ng kanyang amo

- Ilang beses na itong humingi muna ng tulong sa agency subalit wala itong ginagawang aksyon na maging si Tulfo ay di natuwa rito kaya pasasampahan din niya ito ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humahagulhol sa video ang overseas Filipino worker na si Pinky na umano'y madalas na saktan ng kanyang amo.

Sa tulong ng kanyang kapatid na si Jinky Permano, nakahingi sila ng saklolo kay Raffy Tulfo upang mas mapadali ang pagsagip sa OFW.

Nalaman ng KAMI na bukod sa madalas na pananakit kay Pinky, ginugutom pa siya ng kanyang employer, dahilan para talagang bumagsak ang kanyang katawan.

Read also

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Hindi na raw niya kaya ang halos araw-araw na pananakit ng amo kung saan nagtatamo na rin siya ng mga sugat at pasa dahil dito.

Ang masaklap, nabanggit pa ng kapatid na pinatatahimik na lamang umano ng mga pulis doon ang OFW na parang walang ginagawang masama sa kanya ang employer bagay na lalong ikinabahala ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Makailang beses na ring humingi ng saklolo ang kapatid sa agency ng OFW ngunit wala itong ginagawa umanong aksyon. Tila pinagtatakpan pa nito ang kamalian ng employer at sinabing may mga katibayan silang nasa maayos na kondisyon ang OFW.

Maging si Tulfo ay hindi natuwa sa pahayag na ito ng agency kaya naman mapasasampahan niya rin ito ng reklamo dahil sa umano'y kapabayaan sa OFW.

Siniguro naman ng kinatawan ng OWWA gagawa sila ng paraan sa lalong madaling panahon na masagip na ang OFW bago pa lumala ang sitwasyon nito sa kamay ng malupit niyang amo.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay isang OFW din ang natulungan ni Tulfo na umano'y naloko ng nobya at natangay ang kanila sanang ipon.

Gayundin ang isang OFW na nagmamakaawa ring makaalis na sa among doktor na mayroon nang hindi magandang ginagawa sa kanya sa kabila ng kanyang edad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel