P1.8 million na ipon na sana ng OFW, naitakbo at naubos ng GF

P1.8 million na ipon na sana ng OFW, naitakbo at naubos ng GF

- Masamang masama ang loob ng isang OFW nang malamang naglahong parang bula ang pera niyang ₱1.8 million sa bangko

- Ang perang ito ay nasa pangangalaga ng kanyang nobya na pinadadalhan niya ng ₱100,000 kada buwan

- Depensa ng babae, nagayuma at nabudol lamang umano siya ng driver nila na siyang nagpapakuha sa kanya ng pera ng nobyo

- Desidido ang lalaki na kasuhan ang dating nobya lalo na at nahihirapan na rin umano ang kanyang pamilya at walang perang magamit ngayong umuwi na siya mula sa Korea

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang dating OFW na si Ryan Katigbak dahil sa naitakbo at naubos na umano ng kanyang dating nobya na si Kristine Mae Cortiguerra ang perang nagkakahalaga ng ₱1.8 million na kanila na sanang ipon.

Nalaman ng KAMI na buwan-buwan, nakapagpapadala ng ₱100,000 si Ryan kay Kristine kaya naman umabot na sa halos dalawang milyong piso ang kanya sanang pera na naipon.

Host ng Bigo Live, ipina-Tulfo ang ex-BF na umano'y pinerahan lang siya

Subalit nang umuwi na siya ng Pilipinas nitong 2020, napag-alaman niyang naglaho nang parang bula ang kanyang milyong-milyon na salapi.

P1.8 million na ipon na sana ng OFW, naitakbo at naubos ng GF

Raffy Tulfo Photofrom: @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Depensa ni Kristine, nagayuma at nabudol umano siya ng driver nilang si Rodrigo Magnaye.

Tuwing sumasakay umano si Kristine sa sasakyan ni Rodrigo, inaakala niyang nagdi-disinfect lamang ito, ngunit iyon na raw pala ang dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nahihilo.

Subalit, sinangga na kaagad ito ni Tulfo at tinanong kung bakit naman nito hinayaan na pauli-ulit itong gawin sa kanya ng nasabing driver.

Nang makapanayam naman ni Tulfo ang driver, pinabulaanan nito ang mga akusasyon ni Kristine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Siya pa raw ang may hawak ng ebidensya na nais pa umanong ipapapatay ni Kristine si Ryan.

Dahil dito, lalo nang nanggalaiti sa galit si Ryan na ang nais na mangyari ay ang mabayaran siya ng dating nobya.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Imbis kasi na mayroon silang nagagastos ng kanyang pamilya, sila pa ngayon itong namumroblema dahil sa ngawa ng dating nobya.

Desidido na rin ang si Ryan na kasuhan si Kristine lalo na at hindi nito maibabalik kaagad ang perang kanyang pinaghirapan sa abroad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang OFW na naloko rin umano ng kanyang nobya na hindi naman siya pinakasalan matapos na makakuha nito ng dalawang kotse at malaking halaga ng pera sa kanya.

PWD na tindero ng prutas, nanlumo nang mabayaran ng pekeng ₱1,000

Hindi rin nalalayo ang kwentong ito sa isang Bigo live host an inireklamo ang kanyang dating kasintahan dahil sa inubos din nito ang kanyang ipon. Binigyan muna sila ni Tulfo ng kaunti pang panahon upang mapag-usapan ang nais nilang mangyari bago magkasampahan ng kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel