Dating delivery rider, napag-aral ang sarili at isa na ngayong ganap na pulis
- Hinangaan ang dating delivery rider na isa na ngayong ganap na pulis
- Bago pa siya naging food delivery rider, naging working student siya at napagtapos ang sarili
- Habang naghihintay ng quota sa Philippine National Police, pinili pa rin niyang magtrabaho
- At ngayong isa na siyang ganap na pulis, payo niya na huwag basta susukuan ang pangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang post ng pulis na si Renx Francisco Ramos dahil sa nakaka-inspire niyang kwento.
Nalaman ng KAMI na dala ng pagsisikap ni Renx, napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang sarili.
Kwento ni Renx sa post na ibinahagi ng Tambayan ng PULIS, naging working student muna siya at nagtrabaho sa Jollibee.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kinaya niya ito habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo. Marami sa ating mga kababayan ang napagtatagumpayan ang ganitong kalakaran at isa na nga rito si Renx.
At nang maka-graduate, pinasok muna niya pansamantala ang pagiging food delivery rider.
"Habang naghihintay ng quota sa PNP at sa wakas, naabot ko na pangarap ko," buong magmamalaki ni Renx.
"Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit," ang ibinahagi niyang kasabihan upang magbigay inspirasyon sa marami.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tunay na kahanga-hanga ang mga kababayan nating tulad ni Renx na nagsusumikap at pilit na inaabot ang mga pangarap sa gitna ng kahirapan. Patunay si Renx na hindi dapat tayo basta-basta sumusuko sa mga pagsubok ng buhay.
Lalo na ngayong panahon ng pandemya, sadyang marami sa ating mga kababayan ang dumaraan sa matinding hamon ng sitwasyon hindi lamang para sa kanilang sarili kundi maging sa kanilang pamilya.
Tulad ni Renx, isa ring delivery rider ang nagagawang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Kinakailangan niya kasing suportahan ang pamilya ngayong sumabay pa sa pandemya ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang ama.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh