Viral na teacher sa social media na si Teacher Dan, nagkaroon na ng studyante
- Matapos mag-viral ng isang guro dahil sa kanyang nakakaaliw na music lessons, isang teacher din ngayon ang kinaaliwan
- Kwelang-kwela sa mga netizens ang video ni Teacher Maureen na nagsilbing studyante ng sikat na sikat na si Teacher Dan
- Gamit ang mga sumikat na video ng Facebook Page na DanVibes, ginawa niyang nakaaliw ang kanyang mga video sa pamamagitan ng pagsagot kay Teacher Dan
- Agad na nag-viral ang kanyang video at ngayon ay tuloy-tuloy ang paggawa ng nakakatuwang content
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi nagpahuli si Teacher Maureen sa kakulitan ni Teacher Dan na sumikat dahil sa kanyang kwelang mga music lessons at pag piyok-piyok habang bumibirit ng matatas na nota.
Madami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Teacher Maureen kung saan siya ang nagsilbing studyante ni Teacher Dan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kagaya ng isang tunay na mag-aaral, habang nakaupo at nakikinig ay sumasagot din siya at ginagawa ang lahat ng sinasabi ni Teacher Dan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Agad na nag-viral ang kanyang video na kanyang pinamagatang "PROLONGEST VOLUME-MATICS!"
Pinasalamatan niya rin si Teacher Dan para sa kanyang nakaaliw na pagtuturo.
May student na si Ma'am! Thank you @DanVibes, andami kong natutunan sa pagpasok ko sa Music Class mo. Natutunan ko ang Volume-matic Technique, Alignment of Esophagus to Diaphragm (Interconnection), at marami pang iba.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Dahil sa pandemya, naapektuhan ng husto ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Para maiwasang lalong dumami ang mahawaan ng COVID, itinigil ang pagpasok sa paaralan at online na lamang ang karamihan sa mga klase.
Ang ilang mga guro ay naapektuhan din at nawalan ng trabaho. Kabilang si Teacher Dan sa nawalan ng trabaho ngunit hindi niya ito hinayaang maging hadlang para maipagpatuloy niya ang kanyang paghahanap-buhay.
Naging inspirasyon din kamakailan ang isang guro na nakuha pang sumagot sa kanyang mag-aaral bago siya ikasal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh